KABANATA 38

15.1K 798 32
                                    

Kabanata 38.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita kong madiin na nakahawak ang kamay ni Empress Lalley sa braso ni Ivar. She's hurting my husband.

"Father, lend me your sword" malamig na saad ni Ivar.

Napatingin ako sa emperor at napansin kong namula ang buong mukha nito at para bang sasabog na ang ugat sa noo at leeg nito. Gusto niya sigurong pigilan na sundin ang utos ni Ivar ngunit hindi niya kaya.

Kusang gumalaw ang katawan ng emperor. Tumayo ito at inabot ang kaniyang espada sa kaniyang anak. Nang mahawakan ni Ivar ang espada ay binitawan naman niya ang leeg ni Empress Lalley.

Ngunit sa isang iglap ay naputol ang leeg ng empress at  natumba ang katawan nito sa sahig ng office ng emperor.

Sa bilis ng pangyayaring iyon ay hindi ko nagawang kumurap. Gumilong sa paanan ng emperor ang ulo ng empress kaya agad namutla ang kaniyang mukha. Maging si Secretary Wiber ay napaupo bigla sa sahig dahil sa takot at pagkagulat.

"Atralia, I think you also have no choice but to become an empress" baling sa akin ni Ivar.

Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ko ang sinabi niya.

"But I need to go back in Razvan Kingdom" pahayag ko kay Ivar.

"I'll let you go back but you need to tell your mother about us and about our baby. She'll understand you if she truly loves you" pahayag sa akin ni Ivar.

"What about my father? He'll kill my mother if he learns the truth about me" seryoso kong saad.

"Atralia, kill your father to free your mother. You and your mother are both in a leash. You are both suffering because of your father and have you forgotten about what your father did. He killed your siblings. He deserves to die" paliwanag sa akin ni Ivar.

Napalunok ako bago tumango. He's right. Alam kong nagbubulag-bulagan lang ako sa lahat ng nagawa ni ama na pagkakamali. Noon pa man ay gusto ko iyong kalimutan. Gusto kong makalimutan na masamang tao talaga ang aking ama para matanggap ko siya ng buong-buo lalo na dahil mahal na mahal siya ni ina.

I want us to be a normal family. Pero alam kong malabo iyon lalo na dahil alam kong kinasusukalaman ni ama si ina. Malabong maging isa kaming normal at masayang pamilya.

Natatakot lang akong patayin si ama dahil kay ina. Ayokong malungkot si ina kapag nawala si ama. Pero alam kong tama si Ivar. Habang buhay lang din masasaktan si ina sa pagtrato ni ama sa kaniya. Hindi ko iyon pinansin dati dahil akala ko ay maayos pa nila ang kanilang relasyon ngunit lumaki na ako at lahat ay wala pa rin nagbabago.

We're indeed in a leash. Ang pagmamahal ni ina kay ama ang taling nakatali sa leeg ni ina at ang sa akin naman ay ang pagmamahal ko kay ina. Kaya kahit gusto kong mabuhay bilang isang babae ay hindi ko magawa dahil gusto ni ina na habang-buhay akong magpanggap bilang isang lalaki.

"Do you think mother will forgive me if I killed father?" Tanong ko kay Ivar.

"Talk to her first and if she truly loves you more than your father then she'll definitely forgive you" saad sa akin ni Ivar.

Para naman may tumarak sa aking puso dahil sa sinabi ni Ivar. I know mother. She loves my father more than she loves me.

"Alright" sagot ko na lamang.

Bumaling naman si Ivar sa kaniyang ama.

"Any last words?" Tanong ni Ivar dito.

Natawa si Ivar ng hindi ito nagsalita kaya napailing nalang ako.

ATRALIA OF RAZVAN KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon