Chapter 36: Dreams

15 3 0
                                        

Itinaas ko ang hawak kong drawing at pinakita sa mga kaklase ko.

"Ang ganda!"

"Anong crayons ginamit mo, Raya?"

"Hindi crayons yan. Pastel ang color ko," taas noo kong sagot sa kaklase ko.

"Pinagawa mo lang sa kuya mo yan eh!"

Tinignan ko ng masama ang babaeng nasa harap ko.

"Inggit ka lang kase di ka naman ginagawan ng kuya mo! Puro basag ulo lang naman alam non!"

Sumabat ko rito. 'Kilala ko kuya ne'to, eh. Yung matabang bully na kaklase lang rin ni kuya.

"Ha! Inamin mo rin! Gawa nga ng kuya mo yan!"

"Naniwala ka naman! Syempre gawa ko to. Madaming ngang sariling assignment kuya ko! Palibhasa kase di gumagawa kuya mo kaya di mo alam!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ka naman kase tutulungan ng kuya mo-"

"At least ako may mama!"

Natigilan ako.

Ayy...putanginamo.

Dahan-dahan kong ibinaba ang drawing ko.

"Anong sinabi mo?" Nagpipigil kong tanong.

"Ang sabi ko...at least ako may mama, ikaw wala. Ayaw kasi sayo kase anak ka sa labas!"

Nakataas ang noo niya at nakangisi pa.

'Ha! Dinagdagan pa talaga!'

Hindi ko napigilan ang kamay kong kusang inabot ang buhok niya.

Mabilis na nagtilian ang mga kaklase ko.

"Ohh!"

"Ohh walang aawat oh! Walang aawat!"

Sigawan ng mga lalaki.

"Aray!!" Alma ko nang gumanti siya.

Mas nilakasan ko ang hila sa buhok niya.

"Nandyan na si ma'am!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin.

Mabilis kong binitawan ang buhok niya pero nanlaki ang mga mata ko nang ituloy niya pa rin ang pagsabunot.

Gaganti pa sana ako nang marinig ko ang boses ni ma'am.

"Class! Ano 'to?!"

Tsaka lang siya bumitaw sa buhok ko.

Pareho kaming hingal na hingal.

Magulo na ang buhok namin at nakakalat ang mga gamit sa sahig.

Nanlaki ang mata ni Ma'am habang salitan kaming tinitignan.

"Raya! Camille! Sa guidance office. Ngayon na."

Tahimik ang buong klase.

Kanina lang, nagsisigawan pa sila. Ngayon, ni isa walang umiimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Hidden AbilityStories to obsess over. Discover now