Mabigat. Iyon agad ang unang bagay na naramdaman ko.
Parang may nakapatong na bato sa buong katawan ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.
May amoy ng antiseptic, malamig na temperatura at may mahinang tunog ng monitor sa tabi ko.
Beep.
Beep.
Beep.
Napakurap ako dahil sa liwanag na nanggaling sa ilaw ang bumungad sa akin.
Teka? Monitor?
"...Hospital?" paos kong bulong.
"Unfortunately."
Napapitlag ako.
Mabilis kong ibinaling ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. Halos mapangiwi ako sa sakit ng bigla kong paggalaw.
Nakatayo si Vanessa sa gilid ng kama habang nakapamulsa.
"Medical wing," paglilinaw niya. "Hindi ka pa patay."
"Ay sayang." Rinig kong boses ni Javin sa kabilang banda ko kaya napalingon ako at agad nanlaki mata ko.
Kompleto sila. Nandoon sina Summer, Winter, Charrine, Naomi, Zypher, Blaise, Montrey, at Javin.
Inirapan ko si Javin.
"Nakakatawa ka." Nanghihinang ani ko.
"Alam ko."
Pilit akong umupo ngunit agad kumirot ang sentido ko.
"Aray puta-"
"Language." Sita ni Charrine.
Natutop ko ang bibig ko.
Lahat nakatingin sa akin.
Parang may lamay.
"...Bakit parang nasa kabaong na ako?" tanong ko.
"Mukha kasing di ka na gigising." sagot ni Zypher. "Uy!"
Napahawak siya sa batok niya ng batukan siya ni Blaise.
"May atraso pa sa akin yan tas papatayin mo na?" Maangas na tanong nito sa isa.
Tumawa si Naomi at lumapit sa tabi ko.
"Na-check ko na ang vitals mo. Pwede ka na din bumalik sa training bukas pero kung hindi mo pa kaya, pwede ka pa namang magpahinga."
Napangiti ako. Yes! Special card nanaman to!
Samantalang si Summer ay mabilis na lumapit sa kama ko.
"Ano bang nangyari sayo?!" Agad niyang tanong.
Tahimik na ulit ang kwarto kaya napatingin ako sa lahat.
Maging si Vanessa ay nakakunot noo.
"Ano?" tanong ko.
Nagkatinginan sila.
Parang may naghihintayan kung sino ang unang magsasalita. Sa huli, si Javin ang bumuntong-hininga.
"Yung shadow eater na nakapasok sa loob ng Prime Building,"
Nanikip dibdib ko.
Naalala ko agad.
Yung singsing.
Yung memorya ni Kreed... kasama Ako.
"H-ha?"
"Nakalabas siya mula sa dead minute at sinugod ka."
Napakurap ako.
"...Ano? Paano?"
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
AcciónGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
