Chapter 33: The Investigation

27 4 0
                                        

Simula ng makalabas ako sa ospital ay sikreto na akong tumatambay sa library ng dorm para hanapin ang sinasabi niyang singsing.

Imposibleng wala sa kahit na anong libro ang bagay na yon. Kailangan ko ng detalye kung papaano ko kokontrolin ang bagay na 'to.

Nagsimula na akong kausapin ang sarili ko.

"Subukan lang talaga ng lalaking yon na utu-utuin ako. Baka makatikim ng suntok sa akin yon."

"Sa dinamirami ng librong nandidito saan ako magistart? Walang clue? Lintek na yan, baka mauna pa akong ma-deads bago ko mahanap yon?"

Tumungtong ako sa ladder na nakasandal sa pader para maisa-isa ang mga libro na nasa pinaka taas. Ngayon lang ako ginanahan ng ganito.

Maaaring mas malakas ako kay Kreed.

Mas madali sana buhay ko kung pumayag siyang i-train ako ni Oliver, eh. Pero dahil hindi pwedeng makita ng Prime Class si Oliver, pinaalis niya ito at binantaan na huwag magpapakita sa mga harap namin. Pati na rin ang nalalaman niya ay sinubukang ipalihim ni Kreed.

"Siraulong yon. Ayaw ata malamangan... Mahanap ko lang talaga yon hahamunin ko na siya ng one-on-one tapos kapalit yung pwesto niya bilang President ng Prime Class-"

"I won't let you."

"Putek!"

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Kreed sa ibaba. Nawala rin ang balanse ko mula sa ladder dahilan para nahulog Ako.

Mabilis ang lahat ng nangyari.

Bumagsak ako mula sa ladder, at bago pa man tumama ang likod ko sa sahig, isang malakas na braso ang sumalo sa akin.

'Malakas?! Utot ko! Parang stick nga eh!'

Napapikit ako sa gulat. Nang dumilat ako, si Kreed ang nakita ko, hawak ako sa baywang habang nakaluhod na siya sa sahig ng library.

"Freak..." bulong niya, bahagyang nasasaktan pero hindi ininda ang sarili.

Agad akong tumayo, inalis ang kamay sa balikat niya na di ko namalayang pinagpatungan ko at umatras palayo. "K-kaya ko naman sarili ko, 'di mo na kailangang saluhin pa ako."

"Yeah? Should we re-do it?" sarkastikong tugon niya habang tumatayo at pinapagpag ang damit.

'Aba...yumabang ata 'tong kumag na 'to?'

Pinaliitan ko siya ng mata at agad na umiling.

"Anong ginagawa mo rito?" singhal ko, pilit binabawi ang kahihiyan ko.

"Our class is about to start, wala ka pa."

'Nyenye...pake mo?'

"Eh ano naman? 'di ba uso ang cutting sa klase niyo?" Tinalikuran ko siya at muling umakyat sa ladder. "Lumayo layo ka sa paanan ko't baka masipa kita. Sinisilip mo na ata panty ko diyan, ha?!" Banta ko sakanya.

Kita ko ang pag kunot ng noo niya pero agad na napalitan ng ngisi ang labi niya.

"Should I check it?"

Mabilis akong napalingon sa kanya at dumampot ng librong nasa tapat ko tsaka ko binato sa kanya.

'Aba't?!'

"Close ba tayo?!" Pagtataray ko para itago ang kahihiyan.

Mukhang di niya inasahan ang ginawa ko dahil hindi niya man lang nasalo of nasalag yon. Nasapul ko siya sa noo. Yes!

Her Hidden AbilityStories to obsess over. Discover now