"Go, Raya!"
Malakas na pagsabog ang bumungad sa harap ko matapos kong tumapak sa platform ng Prime Arena. Dito gaganapin ang una naming practice test para sa nalalapit na evaluation.
Ito na ang ikatlong araw bago pa maganap ang evaluation ng Premier Org. sa amin.
Isa-isa kaming sumasailalim ngayon sa Level 1 obstacle na inimbento ng Organization.
May limang level ang evaluation at sa ngayon ay nasa Level 1 kami. Isa-isa kaming pumapasok sa arena at ngayon ay ako ang pinaka huling sasalang.
"Last examinee. Raya Valencia."
Umalingawngaw ang boses ng announcer sa buong facility.
Huminga ako nang malalim bago inikot ang balikat ko.
"Break a leg!" sigaw ni Summer mula sa taas.
Mula sa taas ay kompleto ang mga kasama ko. Lahat sila tutok na tutok kung maipapasako ito.
Dudang-duda ah.
"Literal yata 'yan dito," sagot ko habang nakatingala.
Tumawa siya samantalang si Charrine ay nag thumbs up lang sa akin. Si Vanessa naman? Aba'y parang may balak pang magdasal na bumagsak ako.
Supportive talaga.
Madilim sa loob ng Prime Arena.
Tanging pulang ilaw lang sa gilid ng pader ang nagsisilbing gabay.
"Level 1: The Shifting Maze," saad ng robotic voice. "Objective: Retrieve three crests and reach the exit alive."
"Ahh...buhay? Teka?! Una palang may death sentence na?!"
Hindi ako nag-train ng ilang araw para matigok agad sa unang level!
Nagliwanag ang malaking screen sa harap ng entrance.
"Instructions: Memorize the maze structure flashed on the screen before entering. You will have 15 minutes to exit the Maze."
Biglang lumitaw ang napakalaking holographic map ng maze.
Nanlaki mata ko.
"Ha?! Sandali lang?!" reklamo ko nang magsimulang gumalaw ang blueprint.
Iba't ibang linya, pathways, symbols, at markings ang mabilis na nag-flash sa screen. Kada ilang segundo ay nag-iiba ang route.
"Maze structure will only be shown once."
"Aba'y wow. Exam pala sa memorya 'to?!"
Mabilis kong pinagmasdan ang mapa.
Left corridor. Dead end. Trap zone. Hidden route.
May tatlong pulang marka-malamang iyon ang crests.
Pero bago ko pa tuluyang makabisado-
biglang nawala ang hologram.
Biglang may nag-enkk!
"Entry begins in ten seconds."
"AY TEKA LANG NAMAN!"
"Ten."
"Hindi pa ako ready!"
"Nine."
"Pwede bang replay?!"
"No."
"Wow sumagot pa talaga!"
May narinig akong tawa mula sa observation deck.
"Good luck, Raya!" sigaw ni Summer.
"Kapag nawala ako, mumultuhin kita!" sigaw ko pabalik.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
ActionGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
