***18***

1.3K 22 0
                                    

A/N: I edited (again) the whole story! Pabasa po ulit mula umpisa para makacatch up. Sorry sa pabago-bago. HAHA Enjoy reading :)

***18***

"Bakit kailangan kasama pa kayong dalawa ha?" Napatingin kami ni Julia kay Jack. Nakasimangot na naman siya at parang kakain ng tao. Ang weird nga lang kasi kay Julia lang siya nakatingin. Tumalikod si Julia bago nagroll-eyes.

"Ikaw na magpaliwanag sa kanya. Kagabi ko pa kasi pinapaliwanag, ayaw niyang intindihin." tuloy-tuloy na lumabas si Julia. Kagabi pa? Ibig sabihin, kagabi pa siya kinukulit nitong si Jack. Anong meron?

"Hoy! Kinakausap kita! Hoyy-- Aba't." Tama nga ang hinala ko. Hindi sakin naghihigpit si Jack. HAHAHA Maya-maya tumingin siya sakin. Tiningnan ko siya ng mapang-asar na tingin. Posible pala yon? Kala ko lagi lang kaming magkakaaway na tatlo. Wushu. 

"Ano namang problema mo?" Paasik niyang tanong. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko.

"Someone's inlove." Mapang-asar kong sabi sa kanya. Siningkitan niya ako ng mata. Oh noesss! Agad akong tumakbo palabas. HAHAHA Ayos na loveteam yun ah. JaLia! XD

"Patay ka sakin!!!" Natawa na lang ako. Agad akong pumasok sa sasakyan. Mukha namang nagtaka si Julia. 

"Tara na!" Nginitian ko na lang si Julia. Inirapan lang niya ako bago pinaandar ang sasakyan. Wushu. Nakatakas!

~~~

Napatingin ako sa buong gym. Wow.

"Ang laki pala nitong YG. Yung babaeng kapatid-kapatiran ni Florence ang may-ari nito di ba?" Tanong ko sa katabi kong si Julia na kanina pa tahimik. Nung hindi pa din siya sumasagot, tiningnan ko na siya.

"ok ka lang ba?" Ok pa naman siya kanina. Anyare dito? Ang tahimik niya tsaka parang balisa siya. Problema nito? Miss na agad si Jack?

"Ah.. Oo. Ok lang ako." Di ko na siya pinansin at nilibot na lang ng tingin ang buong gym. Ganda! Maya-maya nahagip na ng mata ko yung mga lalaki. May mga kasama din silang iilang babae. Friend din nila?

"Hi Ella!" Bati sakin nila Andrew. Ngumiti naman kami ni Julia.

"Ah. Papakilala pala namin kayo sa mga kasama namin." Inakay kami nila Marion dun sa bench kung saan may apat na babaeng nakaupo.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon