***11***

2.5K 40 0
                                    

A/N: Jung So-Min as Julia! Kung talagang nagbasa kayo ng CL, kilala nyo na agad kung sino siya! ^^

ELLA'S POV

Di ko alam kung saan ako dadalhin ni Jeremy. Nagulat na lang ako na nasa rooftop na pala kami. Inalalayan niya akong maupo sa isang bench doon. Para akong robotna sinusunod lang ang mga sinasabi ni Jeremy. Naalala ko na naman yung picture kanina. Si Florence.

"Wag ka ng umiyak, please?" Napatingin ako sa kanya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha ko sa mata. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti. Kainis tong anghel na to! Alam niya kung paano ako pangingitiin.

"Ok ka lang ba?" Tumango lang ako. Maya-maya'y kinuha niya ang kamay ko.

"a..aray." Shiz! Muntik ko ng makalimutan na may sugat nga pala ako dun. Badtrip na Florence Marte! Pag ako talaga nakaganti sa kanya, nako! -,-

Naramdaman kong may dumamping malambot sa kamay ko. Nakita ko na binabalot na ni Jeremy ng panyo ang mga kamay ko. Ang bait niya talaga. Nakakainis. Kung sana kasing bait siya ni Florence.. Bakit ba naalala ko na naman yung panget na yun? Tsk!

"Cathy.. is Florence's first love."

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi niya. First love?

"4th year highschool nung naging sila. ok naman. Masaya naman sila. Not until, yung first love at first boyfriend ni Cathy ay bumalik dito sa Pilipinas." Binitawan na ni Jeremy ang kamay ko. Sa wakas, tumigil din sa pagdudugo ang sugat ko.

"Mahal pa ni Cathy si Darwin. Nung nalaman ni Florence, syempre nasaktan. Akala nya hanggang doon lang. Tanggap nya naman kasi na mahal pa ni Cathy yung ex niya, akala niya hindi makikipagbreak si Cathy. Pero nakipagbreak."

"BAKIT MO BA KASI AKO INIWAN?"

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang lungkot ng pagkatao ni Florence. Alam ko na kung bakit ang cold niya. Nainlove kasi. 

"Since then, lagi ng wala sa sarili niya si Florence. Inom ng inom. Baka daw makalimot siya. Hinahayaan na lang namin siya. Ang kaso yun nga. Isang araw, ganyan na ang ugali niya. Cold. Di namin alam na magiging ganyan yung bunga ng hiwalayan nila ni Cathy." Hindi lang pala pera ang nakakapagpademonyo sa isang tao. Pag-ibig din pala.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon