***28***

299 8 2
                                    

A/N: And here it is. HAHAHA Thank you sa paghintay guys! :)


***28***

Ella's POV


"Florence." Kita ko ang panghihina, pagod, lungkot at takot sa mga mata niya. Ramdam ko rin ang panghihina ng kamay niyang nakahawak sa mukha ko. No. It can't be. Maya-maya'y naramdaman ko ang dahan-dahang pagbitaw niya sa mukha ko. Dahan-dahan kong sinundan ng tingin ang nanghihina niyang kamay na bumagsak.


"Florence." Agad nagpanic ang sistema ko. No! Di siya pwedeng mamatay. Di niya ko pwedeng iwan! 


"Florence!" Niyakap ko siya. This is not happening. No. 


~~~


Jeremy's POV


Pagdating ng ambulansya ay agad naming isinakay si Florence. Di sana namin pasasamahin si Ella dahil alam kong kailangan niyang magpahinga dahil sa nangyari or mainterview man lang ng mga pulis na dumating kaso ayaw niyang iwang mag-isa sa Florence. Hawak niya ang kamay ni Florence mula sa ambulance car hanggang sa ospital.


"Wag kang bibitaw please." Patuloy niyang binabanggit yun habang hawak niya ang kamay ni Florence at papunta kaming ER. Napatigil ako sa paglalakad. Si Florence. He maybe a cold, mean person. Especially kay Ella, pero di ko alam bakit ganyan si Ella sa kanya. Di ko alam bakit mahal siya ni Ella. Di ko alam kung anong dahilan ni Ella na sa kabila ng lahat ng ginawa at sinabi sa kanya ni Flo ay nagstay pa rin siya sa tabi nito. At di ko alam sa sarili ko, bakit ako naiinggit. Kailan kaya may magtityaga sakin sa kabila ng lahat ng imperfections ko? Kailan kaya may mananatili sa tabi ko para mahalin ako ng walang hinihinging kapalit?


"Mam, bawal po kayo dito." Napatingin ako kay Ella na pinipigilang pumasok ng Nurse. nasa likod niya sina Julia at jack. Napailing ako dahil sa mga iniisip ko kanina. Agad akong tumakbo palapit kay Ella.


"Ella tara na. Kailangan mong magpahinga at kausapin ang mga pulis. Nag-aalala si Mommy sayo." Litanya ni Jack na mukhang di ata iniitindi ni Ella. 


"Ella." Tawag naman ni Julia. Biglang bumalahaw ang pag-iyak ni Ella. Napatigil kami ng bigla siyang mapaupo sa sahig.


"He can't die. He can't die because of me. No." Dahil sa linya niyang yun, napatunayan ko na wala pa man ay bigo na ko. Alam kong makakaligtas si Florence. Kailangan niyang mabuhay para sa babaeng to. 


~~~

Ella's POV


Si Florence. Si Florence na arogante, masungit, masama ang ugali, demonyo. Ay si Florence din na nagpapasaya sakin sa maliit na bagay, maalaga kahit na di niya masyadong pinapakita, at siya din ang tagapagligtas ko. Niligtas niya ko. Para sakin dapat ang balang yun. Hindi sa kanya. Muli na namang tumulo ang luha ko. Naihilamos ko ang mukha ko sa aking palad.


"Makakaligtas si Florence." Tiningala ko si Jeremy na may hawak na tasa ng kape. Pinunasan ko ang luha ko bago ko tinanggap ang alok niya. Naupo siya sa tabi ko.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon