***15***

2K 34 3
                                    

A/N: HELLO GUYS! Sobrang thank you sa support sa Cl! 2M na siya *u* At salamat din sa pagsupport dito sa IKHG! Patuloy  na dumadami ang reads, comments at votes. Salamat. Isang malaking regalo na sakin yung mga comments at votes nyo. At bilang regalo para sa inyo, nag-update ako. HAHAHA walang magtatampo :3 Happy holidays guys! God bless :)

***15***

*Tiktok. tiktok*

Napatingin ako sa orasan. 1 am. Napatingin ako kay Marte na nakahiga sa kama ko. Nalinisan na namin ni Jeremy ang mukha niya kanina. May black eye siya sa left eye tapos may pasa sa tabi ng labi niya. May cut pa yung ilong nya tsaka lower lip. May pasa din siya sa braso at sa binti niya. Tsk At may benda ang tiyan niya. -,- At dahil sa kalagyan niyang to, di ako makatulog.

Bakit kaya ang hilig sa away ng isang to? Ang initin ng ulo!  Ang pikon pero ang lakas mang-asar. Napaka-arogante. Ang taas ng pride! Nakakainis!!!  Pero bakit ganun? Mukha syang anghel matulog @.@

Ay syemay! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Siguro inaantok na ko no? Aish. Makatulog na nga. Kainis tong Marte na to. Papatayo na dapat ako ng bigla siyang umungol. Napatigil tuloy ako. Gising na ba siya?

Tinitigan ko siyang mabuti. Baka kasi gising tapos manghingi ng tubig or pagkain di ba? O baka masakit ang sugat niya? Tapos may kelangan siya para mawala ang sakit like gamot? O baka nananaginip lang? Hala. Ano kayang nangyayari sa isang --

"Hanggang kailan mo tititigan yang lalaking yan?"

"Ay palakang Marte!" Napatingin ako sa likod ko kung saan galing ang istorbong boses. Nakatayo sa may pintuan si Jack habang naka-cross arms at nakataas ang kilay.

"Anong oras na? Bakit hindi ka pa tulog?"

"Wag ka ngang manggulat Jack! At wag kang maingay!" Sabi ko sa ipit na boses. Ang lakas kasi ng boses niya. Baka magising tong monster na alaga namin. Patay kami nito -,-

"Ako ba yung sumigaw?" Pang-aasar ni Jack. Kainis talaga tong isang to. Nagulat ako nung lumapit siya sakin. Tinitigan niya lang si Florence.

"Oras na malaman ko na sinaktan ka na naman ng lalaking to sa kabila ng ginawa mo ngayong gabi, di ako magdadalawang-isip na bugbugin ang isang to." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon