***22***

1.6K 31 8
                                    

***22***

Ella's POV

Napatingin ako sa paligid. Wala na naman ang mga tao? Ilang linggo na kami dito sa safe house ni Jeremy. So far so good naman. Pero naghahanap na sina Julia at Jack ngayon ng malilipatan namin. Nakakahiya naman kasi di ba? Sa ilang linggo namin dito, laging mga tauhan ni Carlo at si Mommy lang nakakasama ko. Minsan nabisita dito ang barkadahan nila, na wala namang ibang ginawa kundi magkalat lang. Tsk

Tapos etong si Marte, walang ibang ginawa kundi inisin lang ako. Hindi niya kayang mabuhay na hindi ako iniinis. Ang sarap niyang ibato sa bermuda triangle. Tsk Pero infairness sa isang yun, medyo nakakamove on na siya kay Cathy. Ata. Di na niya nababanggit masyado eh.

Sa kakahanap ko sa mga tao, nakarating ako sa parking lot sa labas. Nakita ko dun si Jeremy na naglilinis ng kotse niya. Mahilig pala sa kotse tong si Jeremy. Ang dami niyang kotse! At kada isa, gusto niya siya talaga ang naglilinis. Tulad ngayon. Napangiti ako.

"Pwedeng tumulong?" Napatingin siya sakin at ngumiti. Bakit ang gwapo ni Jeremy? Pag nakita mo siya, mapapakanta ka na lang ng neseye ne eng lehet. LOL. Di ko na siya hinintay sumagot at kinuha na agad ang isang basahan na may sabon. Masaya din pala maglinis ng kotse no? O ako lang ang inosente na naenjoy to?

Punas lang ako ng punas. Ganun din naman si Jeremy na walang imik. Nebeyen! Ako pawis na pawis na pero siya ang cool pa din tingnan. Ang unfair no? After kong masabunan lahat, kinuha ko na yung hose. Napangiti ako nung makita ko na busy pa rin siya kakasabon sa gulong. May masama akong balak. HAHAHA

Tinapat ko yung hose malapit sa kanya. Nabasa tuloy siya. Napatingin siya sakin na nakakunot ang noo.

"Ella, di pa ko tapos--"

"Kailangan ng maligo nung kotse! Naiinitan na siya!" Sigaw ko habang tuloy pa din sa pagtapat ng hose malapit sa kanya. Tiningnan ko siya at nakangiti na ang loko. Maya-maya kumuha na din siya ng hose at nagsimula na ring magbasa. Para kaming bata. 

Napatingin ako sa mukha ni Jeremy na nakangiti habang binabasa ako. Ngayon ko lang nakita ang childish side niya. Madalas kasi yung seryoso side niya, minsan yung nerd side niya na nakakastress ayon kay Jack. Pero palagi yung charming side niya. Ang swerte ng babaeng mamahalin nitong isang to. 

"Ay!" Sigaw ko nung itinapat niya mismo yung hose sa ulo ko. Nagtawanan na lang kami. Basang-basa na ako!

~~~

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon