***25***

558 11 1
                                    

A/N: Sorry sa delayed updates. Sobrang busy lang talaga. Sana magustuhan nyo! Godbless :)



***25***


Ella's POV


After ng araw na yon, mas lalo lang lumayo sakin si Florence. Dahilan kung bakit sobrang bored na ko sa bahay. Walang nanggugulo. Walang nagpupunta para lang magpatimpla ng kape. Buong barkada nila ang busy!  Siguro dahil midterms na rin nila? Ay ambot! Gusto ko ng bumalik din sa pag-aaral! tsk


Napatalon ako sa sobrang gulat ng biglang magring ang phone ko. Agad akong napatingin sa screen kung sino ang tumatawag.


Demon Marte Calling...


Nanlaki ang mata ko. Himala at tumatawag ang isang to. Lumunok muna ako bago ko pinindot ang answer key.


"Hey." Bati ko sa kabilang linya. Kaso walang sumasagot. Tahimik. Ano na namang pakulo nito?


"Florence-"


"Wala na si Andrew." Ang tagal bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Paanong wala na si Andrew? Di ko magets.


"Can you please enlighten me, Florence? Di ko magets."Naiiling na sabi ko. Wala na? As in umalis ng bansa, ganon?


"Can you please go to Jeremy's Hospital? Please?" Agad akong napaupo nung nabanggit niya ang ospital. No it can't be!


~~~


Agad akong nagtungo sa ospital ng pamilya nila Jeremy. Nagjojoke time lang ba si Florence? Pero imposible! Kapatid niya yun! Anong nangyari? Paanong? Aish! Agad akong nagpunta sa nurse station.


"Nurse, Marte? Andrew Marte?" Natataranta kong tanong dun sa nurse. Agad niyang hinanap sa list yung pangalan ni Marte.


"Mam, nasa morgue po." Para akong nawalan ng dugo sa sinabi niya. So it's real? Totoong wala na si Andrew? Agad akong nagpunta sa morgue. Sa labas palang ay nakita ko na ang buong barkadahan na nag-aabang. Yung iba nakasandal sa pader, yung iba nakaupo sa upuan, yung iba sa sahig na umupo. pero pare-parehong malungkot ang mukha nila. 


Agad hinanap ng mata ko si Florence. Pero di ko siya makita. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Agad silang tumingin sakin, tapos tumingin sa pinto ng morgue. Di ko maintindihan ang dapat kong maramdaman. Nilagpasan ko lang sila at pumasok sa loob. I saw Florence standing sa isang kama na may taong nakahiga na may takip ng kumot na puti. That must be Andrew.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Napansin ko agad ang nakaclose fist niyang mga kamao. At ewan ko ba sa sarili ko. Pagkalapit ko, yun agad ang hinawakan ko.


"Florence." Nakita ko ang paglunok niya at ang pagtulo ng luha niya. Mas lalo ko pang hinawakan ang kamao niyang handang manuntok. Ramdam ko ang paghigpit lalo ng pagkakasara ng kamao niya. Aalisin ko na sana ang kamay ko ng bigla niyang pagsiklupin ang mga kamay namin. Ang higpit ng pagkakahawak niya na parang kumukuha ng lakas sakin.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon