***13***

1.7K 25 4
                                    

A/N: Here comes the chapter 13! Short update! Di ko kinakaya ngayon ang character ni Florence. HAHAHA Listen to Demons by boyce avenue! ^^

***13***

ELLA'S POV

Napatitig ako kay Florence. Pagwalk-out niya kanina, dito siya dumiretso sa garden. Tahimik lang siya. Salungat sa inaasahan ko. Akala ko, magwawala siya, magsisisigaw. Pero hindi. Tahimik lang siya at natatakot ako lalo. Mas gusto ko na magwala na lang siya. Hindi yung ganitong tahimik siya. Itinatago niya lahat ng nararamdaman niya. Parang anytime, sasabog siya. Nakakatakot.

"Ahm.. Florence." Try kong tawag sa kanya pero di niya naman ako pinapansin.

"Ahm.. tubig?" Sinubukan kong iabot sa kanya yung bottled water. Parang wala siyang narinig. Akala ko di niya ako papansinin. Ibaba ko na sana ang nakalahad kong kamay nang mapatingin siya sa tubig. Sa halip tuloy na ibaba ko, lalo kong inilapit sa mukha niya yung tubig.

Nagulat ako ng bigla niyang itabig ang kamay ko- dahilan para bumagsak yung bottled water. Napapikit ako sa inis! Nakakaasar na talaga! Kanina pa ko gumagawa ng paraan para damayan siya, tapos eto pa makukuha ko? Nakakainis!

"Ano bang problema mo, Marte? Tingin mo ba babalik sayo yung babaeng mahal mo kung mamumukmok ka dyan? Tanga! Hindi ka nun babalikan! Lalo sa ugali mong yan? Huh! asa ka--" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo. Ang talim ng tingin niya sakin. masakit ba masyado yung mga nasabi ko?

"Ano bang alam mo?" Sabi niya through gritted teeth. Galit nga siya. Galing mo Ella! Sabi mo, papagaanin mo ang loob niya, ano tong ginawa mo?

"Florence--"

"Ano bang sabi ko sayo? Di ba sabi ko wag kang maningielam sakin?!" Napapikit na naman ako dahil sa sigaw niya. Sanay naman akong sinisigawan ni Julia, pero di ko mawari bakit ako natatakot sa sigaw ng isang to. Tsk

"Gusto lang naman kitang damaya--"

"HINDI KO KAILANGAN NG AWA MO O NG KAHIT SINO!" Napalunok ako sa sinabi niya. Namimis-interpret niya ang mga bagay. Ganon ba talaga yun? Sa klase, pag bumagsak ka..bobo ka. Hindi ba pwedeng mas magaling lang sila? Sa buhay, pag ang lalaki umiyak, bakla. Di ba pwedeng nasasaktan sila? Nakakainis. Ngayon, gusto ko lang alisin ang lungkot niya.. naawa na agad? tsk

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon