***24***

790 18 3
                                    

***24*** 


 Alam nyo yung nakakainis? Bukod sa traffic sa edsa, yung mga papeymus sa FB, yung mga trending sa twitter na wala kang idea kung ano, at sa mga taong nagfaflood ng post sa instagram - malamang si Florence Matthias Marte na yun.


Alam nyo kung bakit? Ang loko kasi! Magtatanong tapos pag sinagot mo ng totoo, biglang iiwas. Nagtanong siya kung gusto ko siya, tapos sinagot ko ng matino. Aba't umiwas ang loko! Hindi ba't nakakainis? 


Napatingin ako sa phone ko na cherry mobile na may keypad. Oh wag kayong ano! Si Jack ang bumili nito eh. Para daw safe. Tss. Kanina pa kasi nagtetext ang tropahan nila Marte. Nagyayaya sa kung saan. Minsan na lang kasi kami magkita. Third year college na ang mga loko kaya naman mga nagseseryoso sa pag-aaral at minsan na lang mag-aya. Sorry guys pero may aayusin muna ako. Pinatay ko muna ang phone ko.


Napatingin ako sa bahay na nasa harap ko. Pinanliitan ko to ng mata. Nandyan kaya ang may-ari ng bahay na to? Hays! Gate palang ng bahay nila ang nakikita ko, kumukulo na ang dugo ko, paano kaya pag siya na? Napatalon ako bigla dahil sa busina na narinig ko sa likod ko. Nakita ko ang black na sasakyan na may tatak na L sa unahan. Lumabas sa front seat si Andrew na nakasimangot. Walanyang Andrew! NakaLexus ang loko. Nginitian ko siya habang papalapit siya kaso di pa rin nagbabago ang expression niya. Anong meron? 


 "Hi A-Andrew." Napalunok ako. Para siyang si Florence ngayon! Ang seryoso ng loko! Madalas ay nakangiti siya.  Ngayon ay parang galit na galit siya sa mundo. Nakakahawa ba ang masamang ugali?Baka nahawaan na ni Florence tong kambal niya!


"Anong kailangan mo Ella? Is it safe na lumabas ka? Alam ba ni Jack? Ni Julia?" Napaatras ako sa tono ng pananalita niya. Di ako sumagot. Nakakatakot siya! Mukha namang napansin niya ang pagkabigla ko. Pumikit siya at huminga ng malalim. May problema ba si Andrew? 


Maya-maya ay dumilat na siya. Medyo kumalma naman siya though blank pa rin ang expression niya. 


"I'm sorry. Marami lang iniisip. Nandyan sa loob si Florence." Yun lang ang sinabi niya at agad siyang pumasok sa gate nila na nakabukas na ngayon. Ano kayang nangyari sa isang yun? 


 ~~~ 

Pinapasok ako ng katulong sa loob. Ang laki talaga ng bahay ng kambal na yun! Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako dito pero namamangha pa rin ako. Naiinggit ako dun sa chandelier na nasa gitna na nakokontrol using remote. Ang ganda talaga! Tinigil ko na ang pagnganga sa bahay nila Florence at umakyat na sa kwarto niya.


Napatitig ako sa pinto ng kwarto niya. Di ko alam kung bakit ako nandito actually. Pero nakakainis na kasi ang pag-iwas niya sakin. Sanay na ko sa pang-iinis niya. Sanay na ako na nakakausap ko siya. Kahit pasigaw lagi ang usapan namin. Ok lang. Wag lang yung ganito. Napabuntong-hinga ako bago ko binuksan ang pinto. Kung pwedeng bawiin yung sinabi ko, babawiin ko. Bumalik lang kami sa dati.


"Florence?" Pabulong kong tawag. Malay ko ba kasi kung natutulog siya diba? Sabihin pa niya, inistorbo ko siya. Tapos magagalit na naman siya. Tss. Hinintay ko na may sumagot kaso wala. Pumasok na ko ng tuluyan.


"Florence?" Tiningnan ko kung nandun siya sa kama niya. Bat kasi ganito ang kwarto lalaking yun? Parang bahay din. May living room, may dining area. Tss. Pagkakita ko sa kama niya, wala siya. Maayos na nakatupi ang kumot niya. Nasan kaya yun? Di na ko nakielam sa kwarto niya. Baka nga wala siya. Tss O baka nagtago na? Ay bahala siya! Siya na nga ang pinuntahan eh! Tsk!

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon