***3***

4.2K 57 4
                                    

EDITED.



***3***




"Nahack ko na yung system ng school na pinapasukan mo Ella. Ok na yung profile mo dun. Hindi ka na matatrack dun ng mga humahabol sa atin." Tinanguhan ko lang si Jack.




"Wala na ring kahit anong trace natin sa web. Malinis." Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Julia. Naalala ko na naman yung mga nakablack suit na lalaki.




"Paano kaya nila tayo nahanap? Ang bilis. Dati, aabot ng buwan bago nila tayo makita, ngayon linggo lang." Napaisip ako sa sinabi ni Jack. Naalala ko bigla yung pagtawag ni Daddy kay Mommy. Tama! Malamang dun nila nakuha ang impormasyon.




"Si Daddy." Sabay silang napatingin sakin.




"Tumawag si Daddy last time kay Mommy." 




"You mean, nakamonitor na rin si Boss?" Tumango ako sa sinabi ni Julia. Pati si Daddy. Ang sarap nilang tawanan.




"Dapat ko na rin bang lagyan ng security ang linya ng telepono?" Napatingin ako kay Jack.




"Lagyan mo. Lahat lagyan mo na ng security. Wag nyo ring hayaang sumagot si Mommy ng kahit anong tawag or text." Tumango lang ang dalawa. I can't believe na pati si daddy imomonitor nila makita lang ako. Talagang nagsasayang sila ng oras sakin? Psh!



~~~



"Hindi ka ba natatakot?" Tumingin ako sa paligid ng parking. Nandito na kami sa school ni Julia kanina pa pero parang ayaw ko pang bumaba. Hindi ko alam kung sinong mga dapat pagkatiwalaan pagkalabas ko ng sasakyang to. Tiningnan ko si Julia. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.




"Bakit ako matatakot?" Ang kaninang nag-aalala na mukha ni Julia ay napalitan ng pagtataka.




"Nakidnap na ako ng apat na beses. Natutukan ng baril ng siyam na beses. Di ko na nga mabilang kung ilang beses nila akong tinangkang patayin. Ngayon pa ba ako matatakot?" Napalunok si Julia sa mga sinabi ko. Napatingin ako sa ibang direksyon.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon