***5***

3K 42 1
                                    

***5***






"At bakit naman ako pinapatawag ng hari nyo?"




Nandito ako sa hallway kasama tong mga troops (parang sa COC lang -,-) ni Marte. Kainis. Pinagtitinginan tuloy ako. Ano ba kasing kailangan ng isang yun?




"Ano bang kelangan nun? Gusto nyang masapak ulit?" -,-




"Grabe ka naman Ella! Sadista mo po!" Sabi nung lalaking singkit na medyo malaki ang katawan. Alaga ng gym to.




"Wag ka ngang FC. Di kita kilala kaya wag mo kong tawagin sa pangalan ko!" sabay-irap ko sa kanya. Naiinis na talaga ako.




"Sunget!" Sabi nung singkit ulit. Binehlatan ko lang. Kainis talaga. Isip-bata kung isip-bata eh.




"Wag mo na ngang kulitin JC." Saway nung kambal ni Florence. Bakit ang bait nung kakambal ni Florence? Pero si Florence, ang sama ng ugali? Kaasar!!!




"Saan nagmana ang kambal mo? Bakit ang bait mo, pero siya, sagad sa buto ang kasamaan?" Takang tanong ko sa kapatid nya. Nagtawanan tuloy yung mga kasama nya. Tss!




"Pagpasensyahan mo na yung si Florence. May pinagdadaan lang yun." sabi niya sabay smile. Syems! Ang gwapo nitong kakambal ni Marte pag-ngumingiti *u* Grabehan lang! Kambal sila pero si Andrew lang ang gwapo. Si Florence hindi. Asa siya!




Maya-maya nakarating na din kami sa office ni Marte. Ano ba yan! Nasa labas palang ako pero ramdam ko na yung masama nyang awra -,-




"Tawagin mo lang kami pag may problema." Napatingin ako kay Andrew na nakangiti. Paalis na sila ng may narealize ako.




"Teka.." Napatingin silang lahat sakin.




"Di ba kayo sasama? Sa loob?" Nakita ko namang nagsmirk yung JC ba yun? Yung singkit na ang lakas mang-asar.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon