***2***

3.6K 54 4
                                    

EDITED.




***2***




"Ms. Sun?"




"Mam!"




Hingal na hingal akong pumasok sa room. Hawak ko ang dibdib ko. shiz! Patay talaga sakin yung si Julia mamaya. Di man lang nya ako ginising! Nag-ala flash tuloy ako sa pagmamadali.




"Take your seat now, Ms. Sun."




"Thank you, Mam."




Agad akong pumunta sa upuan ko na nasa likod, sa tabi ng bintana. Ang kaso, may nakaupo sa usual spot ko. Dinouble check ko pa kung upuan ko nga to, at eto nga yon. At may ibang nakaupo. Mababaw man pero naiinis ako. At natutulog pa sya kung sino man sya. May nagtuturo sa unahan for goodness sake. Walang modo tong isang to, pustahan. Mas may modo pa si Jack! Tss




"Ehem."




Tawag ko sa atensyon nung 'nang-agaw' ng upuan ko. Ang ganda ng pwesto kong yun. Nalate lang ako, may umagaw na? Tss. Bakit may mga bagay na iwan mo lang saglit, may iba ng sumasalo? Hashtag Hugot. Aish! Naiinis talaga ako.




"EHEM!"




May nilakasan ko ngayon yung pagpaparinig dun sa 'mang-aagaw'. Di man lang ako pinansin. Wala na kong pakielam kung makuha ko man ang atensyon ng buong klase.Maya-maya, inangat na nung 'mang-aagaw' yung ulo nya at nagulat ako ng bahagya. Bahagya lang naman. Tapos yung gulat, napalitan ng pagkainis. Tama nga ang hinala ko, walang modo nga ang umagaw ng upuan ko. Psh!




"A..ahm, Ms, Sun? Bakit di na lang sa ibang upuan ka maupo?"




Napatingin ako sa Prof ko. Umupo sa ibang upuan para sa walang modo na to? Special treatment na naman? Palibhasa mayaman, may-ari ng academy eh. Nagtataka kayo kung sino sya? sya lang naman si FLORENCE MATTHIAS MARTE. Ang walang modong lalaki na arang robot na bumangga sakin last time! Argh. Tinitigan ko siya ng masama.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon