***9***

2.4K 37 1
                                    

ELLA'S POV

Sino to? Shocks! Julia nasan ka? Jack?

Sinubukan kong makawala sa hawak nya ang kaso sobrang lakas niya. Tsk!  Dinala nya ako sa rooftop. Julia! Julia please! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. kailangan kong makawala. Kailangan.

Pagkarating namin dun tsaka ko lang naisip na kagatin ang kamay niya. Bobo mo Ella! Ngayon mo lang naisip yan. Tsk

"Aray! ELLA!"

Success! Tatakbo na sana ako kaso, tinawag niya pangalan ko? Napatingin ako sa taong--

"JEREMY?!" Hawak-hawak niya yung kamay niya na kinagat ko. Shocks! Ano ba kasing ginagawa niya?

"Bakit mo ba ko kinagat?"  Napagat-labi ako. Mukhang napalakas ang kagat ko sa kamay niya.

"Bakit mo ba kasi ginawa yung kanina? Tinakot mo ko!" Napahinga ako ng malalim. Akala ko mapapahamak na ako kanina. Hays.

"Tsk."

Napanguso ako. Di ko naman kasi alam na siya yun! tsk. Napahinga ako ng malalim. Atleast hindi tulad nung iniisip ko. Pumunta siya dun sa may tabi ng railing. Sinundan ko siya ng tingin. Kinapa ko ang bulsa ko. May nakapa naman akong panyo. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang kamay niya. Bakat nga dun yung ngipin ko. Asar naman kasi eh.

"Sorry dito. Ikaw naman kase! Bigla-bigla ka na lang lumilitaw! Tsaka di mo naman kelangang takpan ang bibig ko! Ayan tuloy, nakagat pa kita. tsk. ikaw naman kase--"

"HAHAHAHA!" Natigil ako sa pagmomonologue ng biglang siyang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Pasaway talaga tong anghel na to! Sinimulan ko ng balutan ng panyo ang kamay niya.

"Iba ka talaga!" Sabi niya ng naiiling. Napangiti naman ako. Sobrang effective magpawala ng stress at worries ng anghel na to. ang gaan kasama. Bagay talaga sa kanya ang word na 'angel'.

"Pangalawang beses mo na kong sinasabihan ng iba ako! Ano? Alien lang?" Sabi ko sa kanya sabay nguso. Natawa naman siya. Natawa na lang din ako.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon