***8***

2.4K 43 4
                                    

A/N: Short update! Pagpasensyahan. Sinasabaw na naman utak ko! Hoho. Still.Chasing cars ang pakinggan nyo! ^^ Enjoy reading!

***8***

ELLA'S POV

Tulala pa din ako dahil sa narinig ko kanina.

"D*MN! BAKIT BUHAY PA KO?!"

Talaga bang nag-suicide ang demonyong yon? Talaga bang gusto nya ng wakasan ang buhay niya? Talaga bang..

"Ella, ok ka lang ba?" Napatingin ako kay Jeremy at Andrew. Pagkasabi ni Florence kanina kung bakit buhay pa siya, bigla na lang siyang umalis. Sinundan siya ng iba. Pero sa gulat ko sa mga nangyari, talagang natulala ako. Bakit ba sobrang affected ako?

"O..Ok lang ako." Sagot ko bago unti-unting tumayo. Naalala ko bigla yung mukha ni Florence. Yung mukha niyang umiiyak. Bakit siya umiiyak? Umiiyak pala ang mga debil na katulad niya?

"Magpapalit lang ako." Paalam ko sa dalawa.

"Samahan na kita--" 

"Wag na Jeremy. Kaya ko na."

Iniwan ko na sila ng di man lang nililingon. Nakakainis! Nakakainis talaga yung Marte na yun! Una, tinangka nyang mag-suicide! Alam kong demonyo sya at gusto nya ng mapunta sa pinanggalingan niya pero mali pa din! Pangalawa, niligtas ko na nga sya, ako pa masama! Dapat sinabi nya, eh di sana ibinalik ko siya sa tubig di ba? Pangatlo, bakit ako affected sa kanya? Bakit ako affected sa pag-iyak niya? Bakit?! Ah tama! Baka nilalamig lang ako. Tss

Agad akong dumiretso sa locker area. Nilalamig na ako. Kasalanan to ng Marteng yon! Next time, ako na maglulunod sa kanya! Badtrip talaga. At ang nakakainis pa, madadaanan ko nga pala ang office ng Marteng yun bago makarating sa locker area. Kainis. Binilisan ko na lang yung lakad ko. Baka makasalubong ko ang debil na yun at baka ako na ang tumapos ng buhay nun -,-

"Florence! Florence, open the door!"

Napatigil ako bigla. 

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon