***19.1***

1K 14 4
                                    

***19.1***

Florence's POV

Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit di ako makashoot ng bola? Nakakaasar! Argh!

"Florence!" Napatingin ako kay JC. Pinasa niya sakin yung bola. Sinambot ko yun. Napatingin ako sa ring. Pagnashoot ko to, panalo kami. Pag nanalo kami, kahit papano mapoprotektahan ko ang pride ko. Ang pride ko na siyang nag-iisang bagay na natitira na lang sakin. Ishushoot ko na dapat yung bola ang kaso humarang si Darwin. Si Darwin.

Bigla kong naalala yung pagpunas ni Cathy ng pawis niya kanina. Si Cathy. Pinikit ko ang mata ko bago ko binitawan ang bola. Napatumba ako after kong magshoot.

"Sayang!" Rinig kong sigawan nung mga nasa bench. Sablay na naman. Nakakainis na. Bakit ba kasi isinama niya pa si Cathy? Bakit ba kasi kasama niya si Cathy? Bakit ba siya ang kasama ni Cathy? Bakit hindi ako?

Maya-maya may naglahad ng kamay sakin. Tiningnan ko ang may-ari nung kamay. At lintek! Di ko na napigilan ang sarili ko.

*BLAG!*

"DARWIN!" Yeah right. Sinuntok ko si Darwin. At hindi pa nakuntento sa isa, sunod-sunod ko siyang ginawaran ng suntok.

"Florence! Tama na yan!" Di  ko sila pinansin. Tuloy-tuloy pa din ang pagsuntok ko kay Darwin. 

"Florence! Ano ba?!" Naramdaman ko na lang na may tumulak na sakin palayo kay Darwin. Napasalampak ako sa sahig. Tss

"Ano bang problema mo?" Napatingin ako kay Annoying girl. Halata sa mukha niya ang pagkabigla at ang pagkatakot. Napatingin ako kay Cathy na umiiyak sa tabi ni Darwin. Dahan-dahan akong tumayo habang nagpupuntahan sila kay Darwin. Tss. Ano? Siya na naman ang dehado? Siya na naman ang nakakaawa? Ako na naman ang masama kasi ako ang nanuntok? Lintek! Ako ang nawalan! Ako yung malungkot. Ni minsan ba naisip nila na kailangan ko din ng tulong?

Tiningnan ko lang sila dun na nagkakagulo habang inaalalayan si Darwin. Tiningnan ko si Annoying girl na nasa gilid lang at nakatingin sakin. Tss. I have no time for this. Paalis na dapat ako dun ng may biglang humawak sa braso ko. Tiningnan ko yung kamay na nakahawak sakin. Bakla ba ko kung sabihin ko na gusto kong maiyak agad?

"Mag-usap tayo." Rinig kong sabi ni Cathy. Hindi na ako sumagot at dire-diretso na lang lumabas. Syet. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit-sakit?

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon