***14***

1.8K 36 11
                                    

A/N: Look at the new cover! HAHAHA ganda no? Gawa yan ni snowdropz! Btw, medyo sabaw ang update. ang sakit ng ulo ko. HAHAH try kong magupdate ng dalawang chapter bukas. Sana kayanin. Enjoy reading! Comment and vote!

***14***

ELLA'S POV

Sabado. Walang pasok! Though busy kami ni Julia kakatingin sa internet. Sinisiguro lang namin na walang kahit anong info na lumalabas tungkol samin. At, malinis naman! Buti naman. hays.

"Your highness, look." Napatingin naman ako sa tinuro ni Julia. Aba't trending sa yahoo news si Marte? Hays. Yung Marte na yun! Di na siya pumasok simula nung nangyari yung sa garden. Ano na kayang nangyari dun? Buhay pa kaya yun?

"Owner of FM Academy, to be the heir of Yu Group of Companies?" Basa ni Julia sa headline. Nagkatinginan kami ni Julia.

"Malaking company din ang YGC ah! Paanong nangyari na siya ang magiging tagapagmana nun?" Di ko pinansin ang hindi nagsalita na si Julia at binasa pa ang buong article. May picture pa kong nakita dun, yung parehong picture sa office ni Florence! Yung picture nilang tatlo ni Andrew kasama yung isa pang babae.

"Look Julia, yan din yung picture na nakita ko sa office ni Marte." inilapit ni Julia ang mukha niya sa screen at nanlaki ang mata niya. Napatingin tuloy ako sa picture.

"Anong meron, Julia?" Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa ibang direksyon habang kagat niya ang labi niya. Anung nangyari sa isang to?

"Wa..wala. Maghahanda na ko ng hapunan. Baka dumating na si Tita tsaka si Jack." Sabi sabay alis. Anung nangyari dun?

~~~

Tinapos ko yung buong article. Doon ko nalaman na parang kapatid na din pala nila yung Gail Yu-- na siyang nasa picture. Bestfriends sila at talaga namang close pala ang Family nila. Simula nung mamatay ang magulang nung Kambal na Marte, pamilya na nung Gail Yu ang umaruga sa kanila. Ayaw hawakan ni Gail ang kumpanya kaya kay Florence niya to ipinangalan. 

Wow! I wonder kung paano itrato ni Florence yung Gail? Sinusungitan niya din kaya yun? Sinisimangutan? Tsk. Bakit ba yung Marte na yun na naman ang naaalala ko? -,-

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon