***16***

2.7K 41 16
                                    

A/N: Mabait ako ngayon. HAHAHA Pakinggan nyo yung Young Love ni Lee Jong Hyun at  Meelody Day habang binabasa ang update na to :D Enjoy!!!

***16***

ELLA'S POV

Monday. Antok na antok akong pumasok sa school. Hulaan nyo kung bakit. Kung ang hula nyo ay naglipat na naman kami ng bahay ay malamang! Tumpak ang sagot nyo. May namataan na naman si Jack na nagmamasid sa labas ng bahay namin dahilan para maglipat na naman. Konti na lang, feeling ko malilibot na namin ang buong Pilipinas sa kakalipat. Tsk

Lutang ako habang naglalakad sa hallway papunta sa room ko. At dahil nga lutang ako, di ko napansin na may mababangga na ako. Di naman ganun kalakasan. Para lang akong may nabanggang pader. At dahil nga sa lutang ako, nanatili lang ako sa pwestong ganun. Dumantay pa ko. HAHAHA

'OMYG! Binangga niya si Florence!'

'Oo nga. Mukhang naghahamon na naman ng away ang isang to.'

'Patay na naman siya.'

Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko. Si Florence ang nabangga ko? Si Florence Matthias 'the sungit' Marte? Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabila kong braso. Napapikit ako. For sure, itutulak ako nito or what. Ang kaso ilang minuto na akong naghihintay sa pagtulak niya wala pa din. Sa halip, dahan-dahan niya akong inilayo sa kanya. 

1...

2...

3...

Nagbilang na ako sa pag-aakalang may gagawin siyang malademonyo na naman sakin pero walang dumating. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko lang yung chest niya then sa mukha niya na diretso lang ang tingin. At syempre, nakasungit mode on na naman siya. Hawak pa din niya ang magkabila kong braso at konti lang ang distansya namin.

Ok. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang anytime, sasabog siya.

"Ahm.. Ano.. So--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang tumingin sakin. Ang ganda ng mata niya. At nakakalasing ang mga tingin niya. WAAAAAAAAAAAAAAH! Ano bang nangyayari sakin?

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo. Hindi lahat ng mababangga mo, pwede mong dantayan tulad ko."

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon