***23***

755 13 0
                                    

N/A: Sorry sa delayed update guys! Kakatapos lang kasi ng OJT ko at nag-asikaso ako ng enrollment ko. Enjoy reading! :DD



***23***



Napatingin ako sa bagong bahay namin. Ang laki ng isang to! Bakit humanap ng ganitong kalaking bahay sina Julia? Knowing na apat lang kaming titira? Napatingin ako sa paligid. Ang isolated ng lugar. Mahahanap pa kaya kami dito?




"What can you say?" Napatingin ako kay Jack.



"Ang laki. Magkikita pa ba tayo sa loob niyan?" Nagsimula na akong pumasok sa gate. Sumunod naman si Jack.



"OA mo naman dun sa magkikita thing. Tss." Inirapan ko lang si Jack dahil sa sinabi niya. Eh sa nalalakihan ako eh. Magagawa ba niya? Pumasok na kami sa loob. Ang lawak ng living room. At kumpleto talaga ang mga gamit. Nilibot ko mula living room hanggang sa mga kwarto sa taas. Ang ganda! Maya-maya ay tinawag ako ni Jack sa isang kwarto. Kwarto yon na puno ng CCTV at computers.



"Kaya natagalan tayo sa paglipat. Inassure namin ni Julia na totally equipped na ang buong bahay." Napatango ako sa sinabi ni Jack. Napatingin ako sa isang key dun na pinindot niya.




"Look." Napatingin ako sa screen. Napunta yun sa kwarto ko. May pinindot na naman siya sa mga buttons. Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas yung isang malaking frame dun na may picture ko.



"That's your safe room sa kwarto mo. Bawat kwarto natin, may ganyan na. In case of emergency." Napatango na lang ako. Wow. Kundi ko lang mga kaibigan tong mga to ay talaga namang hahanga ako sa skills nila. Lagi silang may bagong pakulo. Tinitigan ko si Jack habang may pinagpipindot siya dun.




"What now?" Tanong niya. Nailang siguro sa pagtitig ko. Napangiti ako.



"Thank you." Napatingin siya sakin. Bumuntong hininga siya bago ako niyakap.



"Kahit napaka-annoying mo, I'm still glad I have a sister like you. Feeling ko superhero ako sa mga pinag-gagawa ko para sayo." Natawa naman ako sa sinabi niya. Natawa na rin siya.



"And who do you think you are?" Tanong ko sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap.



"Basta I'm better than any superheroes. Wala pa kong kahinaan." LOL sa walang kahinaan.



"Kaya pala kabadong-kabado ka pag may lumabas samin nila mommy o ni Julia ng di nagpapaalam. Wala ka kasing kahinaan." Tudyo ko sa kanya. Mukha namang napaisip ang loko.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon