***26***

550 12 3
                                    

A/N: Been so long! HAHA kamusta? Ienjoy ang sembreak! Hope nagustuhan nyo ang update :)


***26***

"Set!"

"Spike!"

Boring. Bakit ba kasi hindi ako binigyan ng talent sa sports ni Lord? Maghapon tuloy akong nakatunganga dito sa PE class. Paglaruin ba naman daw kami ng volleyball. Ano ba namang alam ko dun?

"Ella!" Napukaw ng tumawag sakin ang atensyon ko. Nakita kong paparating ang barkadahan nila Florence. Napangiti ako. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung nailibing si Andrew. Medyo nabawasan tuloy ang sigla nila. Lalo na si Florence pero buo pa rin sila. I'm glad na nabawasan ang pagkabarumbado niyang si Florence. Sobrang suplado nga lang. As in.

Isa-isa silang nakipag-high five sakin sabay naupo sa tabi ko. Mahaba naman tong bleachers pero pag sila ang kasama ko, parang di kami kakasya. Nagbigay sila ng pwesto sa mismong tabi ko para kay Florence. Nitong mga nakaraang linggo kasi, laging nasa tabi ko si Flo. Pumupunta pa yun sa bahay minsan kaya naiinis si jack. Di pa din sila close. hays.

Ilang minuto na ang lumilipas, wala pa ding Florence na tumatabi sakin. Tiningnan ko ang direksyon na pinanggalingan nila at nandun pa din si Florence. Naglalakad ng nakayuko habang nakapamulsa. Like a boss talaga. Parang naglalakad sa moon. tss. Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad siya palapit. Maya-maya ay napatingin siya sakin, kasabay ng paglaki ng mata niya.

"ELLA!" Nagulat ako sa tumawag kaya napatingin ako sa unahan-na isang malaking wrong move pala. Naramdaman ko na lang yung malakas na impact ng bola na tumama sa mukha ko.

ASDFGHJKL!#$%^&*


Ang sakit! Napahawak agad ako sa ilong ko. Agad kong nahawakan ang mainit na likido galing dun. Dugo. Di alam saan ibabaling ang atensyon ko. Sa ingay ng tropahan ni Marte na nagtatanong if ok lang ako, sa mga kaklase ko na nanghihingi ng sorry, o sa dugo sa kamay ko.


"Sinong naghagis ng bola?" Napatingin ako kay Florence na nasa unahan ko na pala at hinaharap yung mga kaklase kong nagsosorry kanina.


"Ah, a..ano Florence, di naman namin hinagis--"


"SINO?!" Napalunok ako sa pagsigaw ni Florence. Nakita ko ring napalunok yung mga kaklase ko. Hays. Hinawakan ko ang braso ni Florence para awatin siya. Mukhang effective naman kasi huminga siya ng malalim bago tiningnan ang kamay kong nakakapit sa braso niya.


"Ok lang naman ako." Tanging nasabi ko. Nakaramdam kasi ako ng konting hiya ng makita kong nakatingin din ang mga kaklase ko sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Marte. Kaso ang damuho, biglang inalis ang kamay ko sa braso niya na kala mo ay diring-diri siya. Napakagat-labi ako. Argh!


Nakakaasar to! Ang bipolar! parang kanina lang, ipinagtatanggol niya ko, ngayon parang diring-diri! Ang sarap niyang sapakin! Ang sarap ipakain sa mga buwaya at sa mga cannibal--


"Di ka ok. Dumugo ang ilong mo kaya hindi ka ok." Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palayo dun. Napatingin ako sa mga nagtatakang mukha ng mga kaibigan niya at ng mga kaklase ko. maya-maya ay nabaling naman ang atensyon ko sa kamay niyang nakakapit sa kamay ko. Napangiti ako.


"Hugasan mo muna yan. Antayin kita dito. Pupunta tayong clinic." Napatitig ako sa seryosong mukha niya bago nag-sink in sakin yung mga sinasabi niya. Nasa Girl's comfort rom kami. Sabi ko nga.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon