***21***

1.3K 27 3
                                    

***21***

Florence's POV

Minulat ko ang mata ko. Aish! Ang sakit na naman ng katawan ko. Konting kilos lang, kumikirot na agad. Ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala bukod dun sa ginawa nung annoying girl na yun kagabi. Tsk. Naalala ko na naman. Hinalikan niya ako sa noo kagabi. Hindi ko alam na may nag-aalala pa sakin ng ganun. Aish! Teka nga! Bakit ba iniisip ko yung babaeng yun? Tsk

Bumangon na ako. Sino kayang nakasalubong ko kahapon at pinagtripan na naman ako? Tsk. Napatingin ako sa paligid. Jeremy's. Na kina Jeremy ako. Teka nga! Kung nakina-Jeremy ako, anong ginagawa ng babaeng yun dito?

~~~

Ella's POV

Maaga akong nagising. Maaga kasing aalis ngayon sina Jeremy kasama si Julia at Jack para ayusin at alamin ang ilan pang detalye tungkol sa nangyari kahapon. Nagtataka din ako kahapon. Hindi kasi korean yung mga yun. Sigurado ako. Tsaka ang tatas magenglish. Sino kaya yun? Bagong grupo na humahabol sakin? Tss

"Wag kang magpapapasok ng kung sino-sino dito, Ella." Bilin ni Jack. Nandito kami ngayon sa parking lot ng safe house ni Jeremy.

"Opo." Sagot ko sabay ngiti. Naghihigpit na naman siya.

"At wag mong bibigyan ng sakit ng ulo yung mga tauhan ni Carlo. Bantayan mo si Mommy." Dugtong pa niya. Tumango ako. Nakangiti naman si Jeremy habang tinitingnan ako na mukhang tuta sa harap ni Jack.

"Sige na. aalis na kami." Hinalikan niya ako sa noo. Si Julia naman na nasa passenger's seat na ay kumaway na lang.

"Pwede ko rin ba siyang halikan sa noo?" Paalam ni Jeremy kay Jack na ikinagulat ko. Namin pala. Tiningnan ng masama ni Jack si Jeremy. Si Julia naman, biglang tumingin sa ibang direksyon. Anyare dun? At ano bang nakain nitong Jeremy na to? Tsk

"Sabi ko nga bawal." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Jeremy. Inistart na niya ang sasakyan. Wala akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang papaalis na sasakyan. Pagkasara ng gate, pumasok na agad sa loob. Nadatnan ko si Marte na nakaupo sa sofa habang ngumingiwi. Agad naman siyang tumingin sa akin pagpasok ko.

"Gising ka na pala." Puna ko sa kanya. Kanina pa ba siya dyan? Tiningnan ko siya at nakapoker face lang ang loko. Sunget! Dumiretso ako sa dining area para ayusin na ang pagkain niya. Mukhang tulog pa ata si Mommy. Di pa siya bumababa.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ni Jeremy?" Napatingin ako kay Florence na nasa pintuan. Hawak niya yung upper part ng tyan niya. Siguro kumikirot na naman. May pasa siya dun kagabi eh.

"Anong ginagawa mo sa bahay ng lalaki?" Tuluyan na akong napatigil sa ginagawa ko. Anong meron sa tono ng pananalita ng isang to? At ano nga ulit ang isasagot ko?

"Ah..ano.." Syemay! Di ko alam kung sasabihin ko yung totoo o sasabihin ko yung sinuggest ni Jeremy kagabi.

"Don't tell me, naglilive-in kayo ng tropa ko?" Napaface palm ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang utak ng isang to.

"Baliw! Ganyan ba katindi ang pagbugbog sayo kagabi at pati utak mo naalog?" Sinimangutan ko siya. Napakagreenminded ng loko.

"Kumain ka na." Tinalikuran ko na siya after kong maihanda ang pagkain niya. Hindi talaga nagmimintis ang isang to sa pagsira ng araw ko. Anong nagustuhan ko sa lalaking yun? Tsk

~~~

"Aray! Masakit!" Tiningnan ko siya ng masama. Nilalagyan ko kasi ng yelo yung mga pasa niya at napakaarte ng loko.

"Ang layo nito sa bituka, kung maka-aray ka para kang inooperahan!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang bigat ng kamay mong babae ka! Babae ka ba? Ang sakit!" Reklamo na naman niya. Mas lalo ko tuloy diniinan yung yelo sa pasa niya.

"Ano ba!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ang pagdiin ko. Hah! Kala niya! Aalisin ko na dapat ang kamay ko nung mapansin ko ang pagtitig niya sakin. Anong problema ng isang to?

"H..hoy Marte. Yung kamay ko." Nakita ko ang paglunok niya. At hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sakin! Nakakailang! Napatingin ako sa mukha niya. Wala namang kare-reaksyon. Nakatitig lang siya. Tiningnan ko yung mata niya. Syemay! Di ko siya mabasa!

Napalunok ako. Ano bang iniisip ng Marte na to? Natigil lang ang titigan namin ng makarinig kami ng tawanan. At ang damuho, itulak ba naman ako palayo sa kanya. Nakakainis siya! Badtrip. Kailangan ba manulak? Suntukan ko to eh. Napatingin kami sa pinto at nanlaki ang mata ko. Nandito ang barkada niya.

~~~

"What? Nakidnap ka?!" Napapikit ako sa pagsigaw ni Marte. Kaya pala nandito ang buong barkada niya ay dahil nasabi ni Jeremy ang kalagayan niya. At dahil nandito ako, di ko natakasan ang tanong nila kung bakit ako nandito. Nagkataon naman na nandito si Carlo kaya di na ako nakapagsinungaling.

"Teka lang. Bakit ka naman kinidnap? Sa pagkakaalam ko kasi di ka naman ganun kayaman Ella di ba? Ayon sa nakalagay na record mo sa school." Napalunok ako sa sinabi ni Marion. Syemay. Sasabihin ko na ba? Napatingin ako kay Carlo. Seryoso lang ang tingin niya sa akin na para bang hinihintay din ang sasabihin ko. Bahala na.

"Lahat ng record ko sa school..ay isang malaking disguise lang." Halata sa mukha nila ang pagkagulat.

"I'm from korea. Anak ako ng pangalawang pinakamayamang business tycoon dun. Apo ng may-ari ng Sun Empire."

"Sun Empire? Isa sa malaking business partner namin sa project namin sa New York. Pinakamalaking group of companies sa korea." Kita ko sa peripheral vision ko ang paglingon sakin ni Florence dahil sa sinabi ng kakambal niya.

"Tama ba ang sinabi ni Andrew, Ella?" Tumango ako kay Mark.

"Kung ganon, bakit ka nila hinahabol?" Tanong naman ni JC.

"ang Sun Empire ay pag-aari ng angkan namin. Lahat ng nagpapatakbo at nagmamana nito, ay ang panganay na anak na lalaki. Tradition na yun. Daddy ko ang tagapagmana nun. At ayon sa tradition, panganay na anak niya din ang papalit. Pero dapat lalaki. Hindi ako lalaki. At isa yung malaking kahihiyan para sa pamilya namin. Ang pamahalaan ng babae ang buong empire."

"Yun na yun? I mean, dahil lang sa babae ka?!" Napalingon ako sa highblood na si Florence. Mas highblood pa sakin. Kaasar.

"Hindi lang kasi yun. Si lolo kasi. Ang inaasahan ng iba naming kamag-anak ay hahatiin niya ang kayamanan niya sa bawat pamilya. Pero hindi yun ginawa ni Lolo. Sa last will niya, nakalagay dun na lahat ng kayamanan niya, ay sakin niya ipapamana lahat."

"Gaano ba kayaman ang lolo mo?" Nakakunot na tanong ni JC.

"Kayang bilhin ng Lolo ni Ella ang YG at ang OC. Isang bagsakan." Napatingin kami kay Carlo dahil sa sinabi niya.

"YG? Ni Gail?" Di makapaniwalang tanong ni Andrew.

"At OC mo?" Tanong naman ni Marion. Tumango lang si Carlo. Di ko alam kung magkano yung YG at OC pero alam kong malalaking companies din yun. At hindi ko rin alam na ganun kayaman si lolo.

"No wonder hinahabol ka nila." Napatingin ako kay Florence na seryoso na ang mukha ngayon. Napabuntong-hininga ako.

"Malalaking tao rin ang humahabol sayo, tama ba?" Tumango ako sa tanong ni Marion.

"Hindi ka ba kayang protektahan ng lolo at ng daddy mo?" Napangiti ako ng mapait.

"Kung ako lang sana ang dapat protektahan, kaya naman. Kaso hindi lang ako eh. Nandyan si Mommy, yung mga kapatid ko sa korea. Yung kumpanya. Yung mga taong nagtatrabaho sa kumpanya. Madaming mas dapat protektahan." Tumango naman sila.

"Kaya ba ng tauhan mo Carlo ang protektahan tong babaeng to?" Napalingon ako kay Florence. Walang karea-reaksyon ang mukha at mata niya pero ewan ko ba. Dama ko yung concern niya sakin.

"Kaya." Rinig kong sabi ni Carlo. Di ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Florence.

"Then be it. Bigyan mo siya ng bodyguards." Natulala ako sa sinabi niya.

"Florence." Mahinang banggit ko sa pangalan niya. I can't believe it. He's concerned. Nag-aalala siya. Maya-maya tumingin siya sakin.

"Kahit anong mangyari, damay na kami dito. Paninindigan na lang namin. Jeremy's in. So is Carlo. Then the whole gang is in." Napangiti ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa iba pa niyang kaibigan, nakangiti lang din sila. Ayoko sanang idamay sila pero ang sarap pala sa feeling na may mga taong handang protektahan ka. Ngayon pa lang nagsisimula ang laban. Ngayon pa lang.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon