***19.2***

1.1K 17 2
                                    

***19.2***

Ella's POV

Nagising ako ng masakit ang ulo. Syemay! Ano bang nangyari? Unti-unti kong minulat ang mata ko. Ang dilim. Nasaan ako? Sinubukan kong gumalaw pero wala akong nagawa. Nakagapos ang mga kamay ko. Agad kumabog ang dibdib ko. Don't tell me, may nakakita na sakin?

Napatingin ako sa paligid. Ang daming nagkalat na kahon. Yun lang ang kaya kong maaninag sa sobrang dilim. Napapikit ako. Ipinahamak ko na naman ba ang sarili ko? Alam ba to ni Julia? Ni Jack? Ni Mommy? Shocks! Napadilat ako nung makarinig ako ng yabag. Ginalaw-galaw ko ang kamay ko, bakit ang higpit ng pagkakatali sakin? Kahit paa ko at tyan ko nakatali. 

Napatingin ako sa may pinto. Sa ilalim nun ay may anino. Syemay! Paano ba ako kakawala dito?

~~~

Julia's POV

"Na-on mo ba ang tracker Jack?" Di ako mapakali dito sa passenger's seat. Kanina pa nagdadrive si Jeremy sa kung saan-saang mga lugar na pwedeng pagdalhan kay Ella kaso di pa din namin siya makita. Wala ibang iniwang bakas yung mga kumidnap sa kanya kundi yung panyo. Tss

"Naka-on siya pero walang signal.--" Di ko na pinatapos si Jack at isinara ko na agad ang screen ng Ipad. Nasaan ka ba Ella? Tsk

"Hello, Oliver. Kailangan ko ng tulong mo." Napalingon ako kay Jeremy. Kausap niya si Oliver?

"Yeah. I'll explain later. Nawawala si Ella. Tulungan mo naman akong hanapin siya oh. Kailangan ko ng tauhan mo." Napatingin ako sa paligid. Saan ba pwedeng dalhin si Ella ng mga dumukot sa kanya? 

"Salamat bro." Napatingin ako kay Jeremy na kanina pa nakakunot ang noo. 

"Oliver's on the move. Anong sabi nung kapatid ni Ella?" Napakuyom ang kamao ko. Bakit ayaw ko yung way ng pag-aalala niya kay Ella? Tsk. Ano ka ba Julia! Nawawala ang amo mo! Don't be selfish please?

"Walang signal ang tracker. Useless." Tiningnan ko ulit yung Ipad ni Jeremy kung saan may mapa ng mga lugar na abandonado na.

"Walang signal?" Di ko na pinansin si Jeremy at tuloy lang ang paghahanap. Syemay. Kung mahuhuli kami ng pagsagip kay Ella, I doubt it na makita pa namin siyang buhay. 

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon