***7***

2.8K 44 2
                                    

A/N: Ewan ko kay pareng Spotify pero Mahal ko o Mahal ako ni KZ ang soundtrip ko dito XD Enjoy reading! Comment kayo guys! Badly needed ang feedbacks!

ELLA'S POV

"Yung bilin ko sayo, Ella. tatawag ka agad kung may problema, ok?" Napatingin ako kay Jack. It's odd. Sobrang seryoso niya ngayon. Hindi ko alam yung nangyari pero alam kong may nangyari.

Napatingin ako kay Julia. Kung mahigpit na sila noon, lalo ngayon! Hindi ko alam kung anong nangyari. Lumipat din kami ng bahay. Grabe! At alam nyo na kaya sinungitan ni Julia si Jeremy nung isang araw ay dahil daw baka isa siya dun sa mga 'demonyong' humahabol samin. Tss. Grabe talaga! Bakit ba ayaw sabihin nila Julia yung nangyari sakin? Tss.

"Nasa paligid naman kayo mamaya di ba? Acquaintance party yun. Di naman kasi pwedeng di ako makisalamuha."

Ayaw kasi nila akong makisalamuha kahit kanino. Grabe naman! Nagpunta pa ko sa 'party' kung di din naman ako makikisalamuha di ba? Tss. 

"Tss! Basta mag-ingat ka, Ok? Wag sasama kung kani-kanino. Kahit dun sa lalaking sinasabi ni Julia!" Inirapan ko lang si Jack na agad lumabas para ilabas ang sasakyan. Agad naman sumunod si Julia. Tss

Napatingin ako kay Mommy na lumapit sakin at inayos ang dress ko. Napangiti ako. I'm glad na sa kabila ng mga nangyayari, nandito si Mommy sa tabi ko. Sa tuwing iniisip ko na sumuko, siya yung magsasabi na wag. Kasi kakayanin namin.

"Intindihin mo na lang ang Kuya mo. Nag-aalala lang yun para sayo." Napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni Mommy. True. Kahit na malakas mang-asar si Jack, sa tuwing napapahamak ako, lagi siyang nandun. To the rescue agad.

~~~

"Yung bilin ko ha? Naglagay ako ng tracker sa damit at cellphone mo. Bigla-bigla ka kasing nawawala. Pag may nangyari, tumawag ka agad, ok?--" Napatitig ako kay Jack na hindi malaman ang gagawin. Adik talaga ang isang to. Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita. Tss

"--Nakikinig ka ba?" Ngumiti ako bago ko siya niyakap.

"Gomawo." Alam kong nagulat siya pero sinuklian pa din niya ang yakap ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo nila Julia at Mommy. Saranghae oppa." Ramdam ko ang pagngiti niya sa balikat ko.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon