I Kissed Her Goodbye

10.8K 95 12
                                    

"Appa, Museun il-iya?"

Nagising ako dahil sa putok ng baril. Sunod-sunod yun. Ang bilis ng maneho ng daddy ko. At napagtanto ko na kami ang binabaril dahil nabasag na ang salamin sa likod dahilan para yakapin at payukuin ako ng step mom ko. May sasakyan din sa magkabilang gilid namin at mula sa bintana nun. may mga lalaki ding gumaganti ng baril sa likod namin.

"Jeolhada! Jeolhada!"

Sigaw ni Daddy. Kitang-kita ko sa mukha ni daddy ang takot. Ganun din sa stepmom ko. Anung nangyayari?

"Imo.Imo"

Patuloy ako sa pag-iyak habang nakayakap sa stepmom ko. Itinigil ni Daddy ang kotse sa...airport. Anong gagawin namin sa airport? Pagdating namin dun, ang daming mga lalaking naka-black suit. Mga tauhan ni Lolo.

"Dangsin-eun mueos-eul haeyahalji." Narinig kong bulong ni Daddy sa isang tauhan ni Lolo. Pagpasok namin, may sumalubong saking babae. Di ko alam kung sino siya pero napansin kong pareho kami ng mata.

"She's my Niece?" Rinig kong tanong nung babae. Di ko maintindihan.

"ye." Bakas ko sa boses ni daddy ang lungkot. Bumuntong-hininga sya baka umupo para makatapat niya ako.

"Dangsin-eun dangsin-ui eomeoni e gagoissda." Pupunta ako sa Mama ko?

"mueos-eul? wae?"

"Dangsin-eun anjeon haeya. Eonjenganeun, dangsin-eun modeun geos-eul ihae habnida. Modu."

Hinalikan nya ang noo ko bago niya ibigay sa babae ang mga gamit ko.

"Geunyeoui anjeonhage yuji." Bilin nya sa babae. Tumango lang yung babae at hinila na ko paalis.

"Appa." Tawag ko kay Dad. Ayokong lumayo. Ayokong umalis.

"Appa!" Tiningnan nya lang ako then naglakad na sya palayo.

"APPA!!!"

~~~

Napabangon ako. Pawis na pawis ako at tumutulo ang luha ko. That scene. Bumabalik na naman yung bangungot na yun. Yung bangungot na hanggang ngayon ay nararanasan ko pa din. 9 years na ang nakakalipas. Kelan ba ko titigilan ng bangungot na to?

_______________________________________________

A/N: I edited the whole story! Pero si Ella Sun at Florence Marte pa din ang bida at magkaaway pa din sila XD Nilagyan ko lang ng konting twist para masaya! :DD BTW, Yung alien language dyan ay korean at ginugoogle translate ko lang :D Kung meron mang magaling magkorean dyan, pakitama naman yung pagkakatranslate :3 Hahaha BTW, ipagpray nyo na matapos ko ang pagpopost hanggang chapter 13 bago mag June 9. Pasukan na kasi namin yon. Hahaha yun lang :)

 

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon