***29***

530 8 6
                                    

***29***


Ella's POV


Napatitig ako kay Florence. He's sleeping. Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng imulat nya ang mga mata niya. Safe na raw siya sabi ng mga doctor. Kailangan na lang nyang magpahinga. Napabuntong-hininga ako. Umupo ako sa tabi ng kama niya. I wonder ano ang gagawin ko sakaling may nangyaring masama sa kanya? Kakayanin ko kaya? Tiningnan ko ang pagtulog niya. Ang peaceful talaga niyang matulog. Parang walang problema. Parang walang iniindang sakit. Hinawakan ko ang mukha niya. Wala na yung iilan niyang bangas.



"Bakit ang gwapo mong demon ka?" Mukhang tanga kong sabi kahit na di naman niya naririnig. Napangiti ako. Aalisin ko na dapat ang kamay ko ng bigla niya itong hinawakan. Nanlaki ang mata ko. Unti-unti niyang minulat ang mata niya. Sa kaba ko ay agad kong kinuha ang kamay ko at tumayo. Napalunok ako.


"Nagising ba kita? Hala sorry! May gusto ka bang kainin? Inumin? May masakit ba? Teka tatawag ako ng doktor." Nataranta ako kaya sunod-sunod ang bato ko ng tanong. Di ko na siya pinasagot at lalabas na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko.


Napatingin ako sa brasong nakahawak sakin. Unti-unti niya akong hinila. Tiningnan ko siya. Blanko lang ang expression niya. Sinubukan niyang maupo kaso kumirot yung sugat niya. Napailing ako. Tuluyan na kong lumapit para tulungan siyang maupo. Naupo ulit ako sa gilid ng kama. Mahabang katahimikan ang namagitan samin. Bakit ganon? Kahit na magkatabi lang kami at di nag-uusap, parang satisfied na satisfied na ko?


"Di ka ba napapagod na tumakbo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa bigla niyang pagsasalita. Pagod? Natawa ako ng mapait. 


"Tingin mo?" Balik kong tanong sa kanya. Di siya nagsalita. Nakatitig lang siya sakin. Tinitigan ko rin siya. Yung mata niya,ang dilim talaga. Kailan kaya liliwanag yan? Nakagat ko ang labi ko. Ano ba Ella. Mga iniisip mo! Napabuntong-hininga ako. Focus.


"Sobrang pagod na ko Flo. Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo." Napatingin ako sa bintana. Ilang lugar na ba ang napuntahan ko? Ilang bansa na ba?


"Eh bakit ka pa tumatakbo? Pagod ka na pala." Napangiti ako sa tanong niya. Bakit nga ba?


"Alam mo, sa buhay ko, dun ko lang natutunan na di mo gustong mabuhay para lang sa sarili mo. Tiningnan ko siya.


"Minsan, gusto mong mabuhay dahil sa mga taong nasa paligid mo. In my case, I have my mom, my dad, si Jack, si Julia. Sila ang naging rason ko para mabuhay. Ok lang tumakbo. Basta kasama ko sila. Basta nasa tabi ko lang sila." Madilim man ang buhay ko, may mga taong nagstay para pilit paliwanagin ito. And I can't afford to lose them. Sa kabila ng kadiliman, hindi nila ako naisip na iwan kahit sandali. Yun lang ang ipinagpapasalamat ko.


Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Florence ang kamay ko. Pinaglaruan niya to hanggang sa pinagsiklop na niya ang mga kamay namin. Napalunok ako.


"Pumunta tayong korea." Tiningnan ko siya ng nakanganga. What? Korea?


"Flo, di mo alam kung gaano kadelikado yang iniisip mo." Napailing ako. No. Dito nga sa Pilipinas ay pahirapan na ang pagtakas ko sa kanila,  paano sa korea? Kung saan nagpupugad ang mga gustong magpapatay sakin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon