***27***

396 8 5
                                    

A/N: Hi guys! Long time no update. HAHA Happy vacation sa mga nagbabakasyon na! Need to catch up. Enjoy!



***27***

2 hours. 2 hours na kong pinag-hihintay ni Marte. 2 hours at di man lang siya nagpaparamdam o nagtetext man lang kung makakapunta pa ba siya or what. Napatingin ako sa paligid ng mall. Ang daming tao. Palibhasa pabakasyon na. Tss. Ang tagal kong nagpalinga-linga sa pagbabakasakaling trip lang akong taguan ni Florence at kanina pa niya ko tinatawanan pero bigo ako. Wala ni isang bakas niya.


"Tss." Bulong ko sa sarili ko. Hanggang kailan ka magpapakatanga Ella? It's been months na panay ikaw ang nag-addjust sa kanya. Ikaw ang nag-aasikaso, magpapasaya, pero in the end wala ka namang nakukuha pabalik. Ganon ba talaga magmahal? Kailangan mong magbigay ng magbigay kahit na walang kang makuha pabalik? Parang nagbayad ka ng sobra tapos di ka sinuklian. Ang sakit palang magmahal kung ganon.


Napailing ako. Nag-aaksaya lang ako ng oras dito. Muli akong tumingin sa paligid, kaso wala talaga. Bahala na nga siya!


"Ella?" Napatingin ako sa tumawag sakin at tumambad sakin ang nakangiting si jeremy.


"Oy! Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa likod niya. Nagbabaka-sakaling may kasama siya or what. Kaso wala. Sino namang kasama niya Ella? Tss


"Sinong hinahanap mo?" Napatingin ako sa kanya. At nakita ko ang nakakainis na playful smile niya. Ang dali talagang makagets ng isang to! Wala akong takas lagi. 


"Wala naman akong hinahanap!" Pagsisinungaling ko sabay kunwari tingin sa phone ko. Tss Narinig ko siyang humalakhak. Ang sexy tumawa. Kainis. 


"Wala ka bang ibang kasama?" Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. Umiling ako. Oo na! Ako na ang inindian ng kasama. Buset! Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian lang ako ng mokong sabay tingin sa paligid. Napasunod tuloy ako ng tingin.


"Tara! Arcades tayo!" Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Jeremy. Arcades? Really?


~~~


"Yes!" Sigaw ko pagkashoot ko ng huling bola. Napatingin ako sa score board ni Mimi. 246. Samantalang sakin 250.


"Mas mataas score ko sayo!" Napakamot siya habang iiling-iling. Agad ko siyang nilapitan at siniko ng pabiro.


"Yung promise mo! Isang plastic bag ng chocolate!" Nakipagpustahan ba naman sakin. Sakin pa? Trained ata to ni Jack!


"Oo na! Luge sayo. Babae ka ba talaga? Ayaw mo ng volleyball pero basketball, batak ka?" Natawa ako sa sinabi niya. Naglakad na kami palabas ng arcade house na yun.


"Sa arcades lang ako magaling. Di ako naglalaro sa totoong buhay." Napatingin ako sa mga batang naglalaro sa labas ng arcade house. Naglalaro sila habang naka-alalay ang kanilang magulang. Bakit never ko naexperience yan? Oo. Alam ko na maswerte pa rin ako. Kasi buhay pa pareho ang magulang ko samantalang yung iba wala ng magulang. Pero minsan naisip ko rin, paano kung simple lang ang pamumuhay namin? Maghihiwalay kaya sina Mama at Papa? Siguro naexperience ko ring maglaro sa arcade house o sa park man lang ng inaalalayan nila ako no? Siguro masaya kami.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon