***12***

2.4K 45 14
                                    

A/N: Listen sa kantang something happen to my heart! Abangan nyo na ang chapter 13! :)

ELLA'S POV

Tahimik akong naglalakad dito sa hallway ng school. Infairness, wala ng nantitrip sakin. Hindi ko din alam kung bakit sila tumigil. Siguro kinausap nila Andrew? Hindi ko alam. Napakiusapan ko din si Julia na magstay dito. Di siya sumagot pero di ba? Silence means yes. Hohoho. Tsaka pumayag naman din si Mommy at si Jack.

Nagulantang ang paglalakad ko ng tahimik nang biglang nagkagulo ang mga estudyante. Anong meron? Nasagot ang tanong ko nang may biglang umakbay sakin. At parang yung nangyari lang nung first day, nagkakagulo ang lahat dahil sa tropahan nila Marte -_-

"Good morning Ella!" Sabi ng nakangiting si JC. Maya-maya sunod-sunod na ang barkada ni Florence na nag-goodmorning sakin. Kaya ata di na ko pinagtitripan dito sa school na to eh. Gawa ng mga to. ANg FFC kasi nila. Tsk Tiningnan ko sila isa-isa. May kulang..

"Nasan si--"

"Bakit? Bibigyan mo ng goodmorning punch?" Sabi ni JC sabay tawa. Nakitawa naman yung iba. Baluga talaga.

"Late lang yon! Mamaya mo na bigyan ng sapak." Sabi na naman ni JC. Eto kaya ang bigyan ko ng sapak? Sabay-sabay kaming pumasok sa klase. Dumating na yung prof pero walang Marte na dumating. Naglunch break na, wala pa din. Nagsimula na ang sunod na klase, mukhang kinuha na siya ng mga alien. Uwian na...

"Nasan si Florence?" Tanong ni Marion kay Mark.

"Di ko din alam. Wala din si Andrew sa building ng Accounting eh."

"Ah. Baka may inaasikaso yung kambal." Sabi ni Glee. Pinakinggan ko lang sila habang nag-uusap. Si Julia kaya? Nasan na?

"Una na ko sa inyo." Paalam ko sa boys. Nagtanguan naman sila. Bakit kaya wala yung kambal? Nasan kaya sila?

~~~

Sa halip na isipin kung saang planeta nagpunta yung dalawang Marte, nagpunta na lang ako ng cafeteria. Ginugutom ako. Tsk

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon