Prologue

447 13 0
                                    

Prologue

"PAMBIHIRA NAMAN Maxhione ano bang ginagawa mo sa buhay mo?!"

Isang malakas na sigaw ang natanggap ng dalagita mula sa kanyang kaibagan na si Alanna na hindi niya alam kung nag-aalala ba sa kalagayan niya dahil sa diin ng pagdampi nito sa bulak sa kanyang mga pasa sa mukha. Kunot ang noo niya dahil sa pagtitiis ng sakit pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit halos hindi maipinta ang mukha ni Maxhione.

She hates being bullied but she hate the most when her friend gets bullied. Kaya kahit sino pa ang nagsasanto-santohan sa harap niya, hindi niya ito palalampasin basta't masapak lang niya ito. Lalo na kapag usapan ang kaibigan niya.

"Tsk. Hindi mo ba alam na binabastos ka nila?" Tukoy niya sa mga kalalakihang kaaway lang niya kanina kaya tuloy ay marami ang nakuha niyang pasa.

Apat laban sa isa? Aba siyempre dehado siya!

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Isang pitik sa noo ang natanggap niya mula dito kaya hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "kababae mong tao basagulero ka naman! Hindi ba't sinabi ko na sayong umalis nalang tayo imbes na patulan pa ang mga gunggong na 'yon? Ayan tuloy at napaaway ka pa!"

"Alangan naman hayaan ko nalang silang bastusin ka?" Mas lalong kumunot ang kanyang noo dahil naiinis na din siya. Hindi niya alam kung mas kinakampihan pa ba ng kanyang kaibigan ang mga lalaking bumastos dito o siya na pinaglalaban lang ang katarungan para sa kanyang kaibigan. "hindi ko masikmurang tingnan ang mga mukha nilang nakangisi habang nakatingin sa'yo at alam ko kung ano ang laman ng kanilang maruruming utak. Pagalitan mo'ko hangga't gusto mo pero wala namang mababago dahil tapos at nangyari na."

Iniwas niya ang tingin dito at humalukipkip habang kunot ang noo. Kahit pa marami siyang pasa na natanggap sa mga gunggong na 'yon, at least nakabawi naman siya ng bugbog sa kanila at sapat na 'yon sa kanya. Oo babae siya, pero hindi niya ramdam na babae siya sa dami ng away na nasabak niya.

"Hay naku." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alanna at hindi niya maiwasang mapatingin dito. "ang sa akin lang naman, mag-ingat ka at wag kang masyadong makipag rambulan sa mga lalaki. Seriously, Max? You're a freaking girl and you must be relax while minding your own business about having boyfriend and such."

Hindi niya maiwasang mapangiwi nang marinig ang huling salita galing sa bibig ng kanyang kaibigan.

"Hell no. 'Wag mo akong itulad sa'yo na ang daming arte sa katawan. Tsaka anong boyfriend? Mas pipiliin ko pang maghanap ng away kaysa gawin yang mga pinagsasasabi mo."

"You're insane." Her friend look at her flatly. "Kung hindi lang talaga kita kilala, noon pa kita napagkamalang tomboy bwesit ka. Sa bagay, ilang milyong beses na kitang sinabihan ng paulit-ulit pero hindi ka rin naman nakikinig." Naningkit ang tingin nito sa kanya. "kapag ikw nakahanap ng katapat, who you ka sa akin."

"Whatever." Umirap siya at hindi ginawang big deal ang sinabi nitong hindi naman mangyayari kahit kailan. "Let's go. Baka mapagalitan ka pa ni Tito dahil ang tagal mong umuwi."

"Oh, eh sinong kasalan 'yon?"

"Sa'yo." Ngumisi lang siya dito bago kinuha ang kanyang bag habang hinihintay ang kanyang kaibigan na ibalik ang mga gamit sa panggagamot nito kanina.

When she's done, she let her lead the way before they bid good bye to the nurse inside. Wala ng makikitang estudyante sa field dahil alas singko na rin ng hapon at uwian na talaga ng mga estudyante. Nahuli lang naman sila at natengga sa loob ng clinic dahil nga sa napaaway siya at kadahilanang binastos ang kanyang kaibigan.

While staring at her friend, she swear that she'll protect her. Kahit alam niyang ilang beses siyang pagalitan ni Alanna sa katigasan ng ulo niya, kahit mukha itong matapang at strikta kapag magkasalubong ang kilay, alam niya kung gaano ito kahina na kailangan niya itong bantayan at alagaan.

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now