Chapter 9: Adventure Time
HOW DID WE END UP LIKE THIS? Maxhione thought while slowly running alongside with her classmates. But unlike them, she wasn't singing the 'baby shark' that their Professor want. Hindi niya alam kung gusto ba silang ilagay sa kahihiyan ng kanilang Prof o sadyang required talaga itong ginagawa nila.
Yes, running is a part of it but singing it with baby shark is out of the question!
"Mommy shark dodododododo! Mommy shark dodododododo! Mommy shark dodododododo mommy shark!"
Napahugot siya ng malalim na hininga at napahilo sa sentido dahil halatang nag e-enjoy din ang iba niyang mga kaklase. Some of her classmates were having their own world. May katulad naman niyang hiyang-hiya sa kanilang ginagawa.
"You look pissed."
"I am." Sagot niya sa lalaking hindi man niya lingunin ay kilala na niya.
"You're against about this huh?" He chuckled. Mas lalo namang kumunot ang noo niya.
"Hibang lang ang hindi tututol dito. Running is fine with me but singing it with baby shark? Nah, tatakbo nalang ako ng ilang laps."
"Hindi ka lang nag-iisa." Natatawang dagdag pa ni Nolan bago ito nauna sa pagtakbo.
They endure everything just to pass the activity. Dinagdagan pa ni Prof Hermes na kung sino mang estudyante ang hindi kakanta ay madadagdagan sila ng ilang laps. So in the end, Maxhione has no choice but to sing with them. Ayaw naman niya na dahil lang sa kanya ay mas mapagod ang kanyang mga kaklase.
"Thirty minutes break before the second activity!" Anunsyo ng kanilang Professor pagkaupong-pagkaupo palang niya.
"Seryoso? May galit ba si Prof sa section na 'to?" Mariin na bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang kanyang pawis.
"Sa pagkakaalam ko wala naman." Napasinghap at mabilis na napaurong ng upo si Maxhione ng walang ano-ano'y naupo sa tabi niya si Art.
The guy was drying his sweat. Prenteng nakasandal sa bench habang nakatitig sa kanya. Maxhione swallowed. There was that unfamiliar feeling again and she shook her head to not think about it.
"Parang ang section lang natin ang pinapahirapan."
"You can say that but they were doing it to trained us." Sagot pa nito bago binaba ang tuwalya. "ini-ensayo nila tayo sa pisikal na lakas at stamina sa katawan. Hindi mo man makita sa ibang section ang ginagawa natin, iyon ay dahil mas naka pukos sila sa ibang aktibidad."
"Then running while singing the baby shark is required?" Nakangiwing aniya na mahinang ikinatawa ng huli.
"Pakulo lang siguro 'yon ni Prof."
Ang gandang pakulo naman kung gano'n. Napapailing na saad niya pero hindi rin maiwasang mapaisip sa sinabi ng binata. Sa mga aktibidad na ginagawa nila, parang sinasanay ang kanilang katawan para sa mga labanan. Their knowledge about the activity they did yesterday. Malaking tulong 'yon para mas malawak ang kaalaman nila tungkol sa mga halaman.
"Max!"
She came out from her deep reverie when she heard Louina's voice. Kumakaway ito sa kanya at inaya siyang lumapit kaya tahimik na nagpaalam siya kay Art para puntahan ang kanyang mga kasama.
"Sama ka ba sa'min mamaya?" Salubong sa kanya ni Louina at naguguluhang napailing siya. Her group mates before were complete. Pati ang tahimik na si Gael ay kasama.
"Huh? Saan?"
"Adventure time." Napahagikhik ang kausap.
"May lumang building sa likod nitong eskwelahan. Nasira ito sa digmaang naganap dito. Bali-balita ay maraming nagpapakitang multo doon." Sagot ni Nolan sa tanong niya na sinang-ayunan ng lahat.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...