Chapter 20

108 7 0
                                    

Chapter 20: Magkaibigan? O magka-ibigan?

"KAPAG NAKALAGPAS na tayo dito sa gubat, hindi ko pa nasisiguro na magiging maayos na ang paglalakbay natin. Pero isa lang ang sigurado ako at iyon ay wala ng ligaw na mga halimaw ang aatake sa atin. Kaso nga lang.." napabuntong hininga si Akira habang nagpapaliwanag sa kanilang harapan. "maraming tulisan ang pwedeng umatake sa atin. Hangga't maaari, umiwas tayo sa pakikipaglaban pero kung wala tayong pagpipilian, lalaban tayo. Yan lang ang paraan para ligtas na makarating tayo sa Alvan."

Maxhione deeply thinking at what she said. It's kinda hard dealing with bandits especially if they're too many. Kung nagkataon na ang makakalaban nila ay higit pa sa isa ang mahikang taglay, mukhang delikado nga sila.

"Wala bang ibang daan para makaiwas sa mga tulisan?" Nolan asked but Akira disappointedly shook her head.

"Iisang daan lang ang tatahakin patungo sa Alvan. Kung meron man, wala akong alam na ibang daan patungo doon."

"Pag nagkataong may umatake sa atin, edi lalaban tayo."

"Paano kung marami sila?" Dugtong na tanong ni Daphnie sa sinabi ni Zion. "pito lang tayo at mga estudyante pa."

"I usually know that bandits is normally human. Kung may kasama man silang salamangkero, paniguradong iilan lang. Kung magkasama tayong pito na lalaban, mananalo tayo. Have faith in each other. As long as we have enough plan, it'll be alright." Art said calmly while biting some apple.

Napatitig siya sa binata dahil masyadong itong kalmado sa kabila ng kanilang sitwasyon ngayon. Although he has a point. Being a leader means you need to be a role model. Kailangang hindi mo ipakita ang kahinaan mo dahil susuko rin ang mga kasama mo. Art is a good leader. No wonder he's a prince.

"Art is right. Kung may maayos tayong plano at magtutulungan tayo, ligtas tayong makakarating sa Alvan. Pasasaan pa't nag training tayo? Kailangan lang nating magtulungan at siguraduhin na ligtas tayo. Kargo natin ang isa't isa, hindi ba?" She gently smiled to ease their worry.

"That's it! Ngayon kailangan na nating magpatuloy bago pa lumalim ang gabi at may umatake sa'tin dito." Ani Akira at nagkanya-kanya na sila ng tayo para sumakay sa kanilang karwahe.

Gusto niyang subukan na magpatakbo ng kabayo kaya sa harap siya sumakay kasama si Art na kunot parin ang noo. Habang si Gael naman ay nasa loob kasama si Daphnie para magpahinga. Sa kabilang karwahe nakasakay sina Akira, Nolan at Zion na nasa unahan nila.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba papasok sa loob?"

She shook her head. "Gusto ko lang magpahangin. Tsaka gusto ko ring subukan na magpatakbo ng kabayo."

"You want?"

"Hmm." She hummed.

"Come here. Tuturuan kita."

Namamanghang tiningnan niya ang binata. "s-sigurado ka? Pwede talaga? Hindi ba magwawala ang kabayo?"

Art chuckled heartily and shook his head. "Hindi 'yan. Nandito naman ako at hindi ka iiwan."

She blinked. Her heard beat fasten at what he said. Para makaiwas, idinaan niya lang sa pagtawa at pag-iiwas ng tingin.

"G-Gano'n ba? Sa tingin ko mamaya nalang. Baka mahuli tayo nang dahil sa akin."

"Sigurado ka? Ayos lang naman. Aalalayan naman kita."

"W-Wag na. Mamaya nalang talaga. Ayos lang." Naiilang na natawa siya habang pinipisil ang magkasiklop na kamay.

From her peripheral vision, she can see him looking at her. Bahagya tuloy siyang napatungo para hindi nito mapansin ang mukha niya.

"Ayos ka lang? May sakit ka ba? Namumula ka."

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now