Chapter 12: Responsibility
KUNG HINDI lang dumating ang kanilang Professor ay hindi pa mapuputol ang tensyon na namumuo sa kanilang puwesto. Nolan politely bid goodbye before he sat in his seat. Habang ang iba ay tinanguan lang siya at mabilis na bumalik sa kani-kanilang pwesto. She secretly glanced at the man beside her. Wala sa sariling napalunok siya nang makita ang kunot nitong noo.
Her heart was still beating so fast after hearing what Art said. Lihim na napabuga siya ng hangin dahil kanina pa pala niya pinipigilang huminga. This guy is really unbelievable. Na hindi na siya nakapagsalita sa sinabi nito kanina. Really? Ipagdidiinan talaga ang salitang with me?
"Get ready for the twenty items quiz, everyone!" Professor Hermes announced. "the lowest will be having community cleaning. Kaya kung tamad kayong maglinis, sikapin niyong makapasa."
The students groaned in disapproval. Pero wala naman silang magagawa kahit anong hinaing ang iparating nila dahil hindi nila mababago ang isip ni Prof.
The paper and ballpen were now ready in just a snap of Professor Hermes finger. Hindi na ito nag aksaya ng oras at sinimulan na agad ang quiz. Maxhione was determined to pass. Hindi sa ayaw niyang mag linis kundi dahil, well, ayaw niya talagang mag linis.
After their quiz, Professor Hermes let them change their clothes into PE uniform. Nang sa gayon ay mas makakagalaw sila sa pakikipaglaban ng ibang mga guro. It is their training and now, they all here inside the gym where the entrance exam happened.
"Let me explain the mechanics." Saad pa ng kanilang guro habang naglalakad ito sa kanilang harapan. "bibigyan kayo ng dalawampong oras na makipaglaban at kinakailangan niyong masugatan ang gurong nakatoka sa inyo. Kung hindi niyo nagawa, hindi ibig sabihin no'n ay hindi na kayo pasado. Hindi lang doon makukuha ang mataas na marka kundi depende sa uri ng pakikipaglaban ninyo. Kaya sa labanang ito, gamitin ang utak at kakayahan. Huwag puro atake lang, naiintindihan niyo?"
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nito at inaamin ni Maxhione na maganda ang binitawan nitong salita para mas magkaroon ng lakas ng loob ang mga estudyante na makipaglaban. There were twenty Professors in front of them and Professor Hermes would be the one to choose of who they were battling.
"Sa tingin mo makakaya ko 'to?"
Napalingon siya sa katabi niyang si Louina habang inaayos nito ang kanyang salamin. Tinapik niya ang ulo nito dahilan para mapalingon ito sa kanya.
"Kung kaya ng iba, siyempre kakayanin mo rin. Remember what Professor Hermes said? Gamitin ang utak at kakayahan. At alam kong kayang-kaya mo ito. I trust you, okay?" She smiled.
Napangiti rin ang huli at tumango sa kanya. "Thank you for trusting me. Nakakagaan ng loob."
Ginulo lang niya ang buhok nito habang tipid na nakangiti. Maxhione knew how smart Louina is. Kaya may tiwala siya ritong kakayanin nito ang activity nila ngayon.
"Before the activity start, I only want all of you to use one element of magic. Ang mga may mahikang higit sa dalawa ang kaya, ako ang mag de-desisyon kung anong mahika ang gagamitin ninyo. Ayos ba 'yon?"
Kagaya ng nakagawian ay sumang-ayon ang lahat sa sinabi nito. Maxhione felt relieved tho. Dahil sa ilang activity na ginawa nila, mas nahasa siya sa kapangyarihan niyang hangin at apoy. At kahit isa sa dalawa ang piliin ng Prof niya ay ayos na ayos lang sa kanya.
"Louina?" Said the Professor. Naglakad naman sa harap si Louina at ang makakalaban niya ay si Professor Marjorie.
They were out of the field after that. Nakaupo sila ngayon sa bleachers habang pinapanood ang magiging laban ni Louina at Prof Marjorie. She can see how nervous the former is. But the determined were also visible and Maxhione know that Louina can overcome this.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...