Chapter 23

104 7 0
                                    

Chapter 23: Her feelings

THE WHOLE tavern went quiet because of the commotion and Maxhione were looking at her  spilled food. Kumurap-kurap siya at tahimik na ibinaba ang kutsara kapagkuwan ay pinagpag ang damit niyang natapunan ng ulam.

"Ano? Bingi ba kayo?"

"Eh ikaw? Bulag ka ba?" Kanina pa umiinit ang ulo niya lalo pa't wala siyang kain. Kahit pakiramdam niya busog siya, sadyang wala talaga siyang ganang kumain. "kung sa'yo 'tong lamesa, bakit walang pangalan mo na nakalagay?" She shifted her gaze at the guy who were looking at her unbelievably. "Kita mo namang kumakain kami diba? Bakit hindi ka maghanap ng lamesa niyo at sa susunod lagyan mo ng pangalan para may pruweba kang sa'yo."

Oh gosh. Lumalabas ang ugali niya sa'tuwing may kaaway siya. Pabalang siyang napapasagot at natatagpuan nalang niya ang sarili na nakikipag-away.

"Max, 'wag mo ng patulan." Ramdam niya ang marahan na paghawak sa kanya ni Daphnie pero hindi siya napakalma nito.

"Aba gago pala 'to ah. Naghahanap ka ba ng away?"

"Ah, pasensya na po. Pero kami ho talaga ang nauna dito tsaka kumakain po kami." Magalang na paliwanag ni Akira na ikina-ingos niya. As if naman makikinig sa kanya ang mga lalaking ito na halatang makikitid ang utak.

Nagtagas ang bagang ng lalaking umistorbo sa kanila. Malaki ang pangangatawan nito at may kasama pa itong apat na lalaking nanonood lang. They are adventurers. Base na rin sa mga suot nila at gamit. Pero tama ba ang ginawa nito? Tama bang palayasin sila habang nasa gitna ng pag kain? Malamang hindi.

"Kapag sinabi kong layas, lumayas kayo! Hindi niyo ba ako kilala? Siguro bago kayo dito. Kaya bago pa namin kayo makaladkad pala—"

She stood up, before she stop herself, she was now pointing her frozen sword on his neck.

"At kapag sinabi kong tumahimik ka at lumabas sa lugar na 'to, sundin mo. Oo bago pa lang kami. Hindi ka namin kilala at mas lalong hindi mo kami kilala."

Hindi nakasagot ang lalaki, napa-igik lang ito sa sakit nang idiin niya ang espada sa leeg nito at tumulo ang dugo. Alerto na din ang mga kasamahan nito. Mas lalong tumahik ang kanilang pinagkainan at kahit mga kaibigan niya ay hindi siya nagawang pigilan.

"Alsiel, naghahanap na naman ba kayo ng away?"

Napalingon siya sa isang matanda na siyang naglakas-loob na lumapit. Nakatutok parin ang espada niya sa leeg ng lalaki at walang siyang balak ibaba iyon hangga't hindi ito nawawala sa paningin niya.

She saw how the guy was threaten at the old man. Bago pa ito makapagsalita, isang malakas na suntok sa sikmura ang natamo nito dahilan para ibaba niya ang espada bago pa niya makitil ang buhay nito.

"Pinagsabihan na kita na huwag kang maghanap ng away dito. At talagang mga bata pa ang pinatulan mo? Ngayon lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong hindi na ulit makatapak sa lugar na ito."

Namimilipit man sa sakit ay mabilis na lumabas ang lalaking nagngangalang Alsiel kasunod ang mga kasamahan nito. Nang mawala sila sa paningin ng lahat, bumalik na ulit sa kanya-kanyang gawain ang mga tao sa loob.

"Max, ang espada mo."

Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Daphnie kaya mabilis niyang tinanggal ang espada saka naupo.

"Pasensya na ginawa ng kakilala ko. Ako na mismo ang humihinga ng tawad."

"Naku, huwag na po." Umiling-iling si Akira habang ikinukumpas ang kamay. "hindi niyo naman po responsibilidad na humingi ng tawad dahil lang sa ginawa ng kakilala niyo dahil hindi naman po kayo ang nagsimula ng gulo."

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now