Chapter 37

97 7 0
                                    

Chapter 37: Queen of Witches

MAHIGIT ISANG oras ang pananatili nila sa pwestong iyon para lang mapakalma ang kanyang kaibigan. She's calm as well but she can't say if she's fine. Because seeing her friend here makes her blood boil. Ang makita na isa sa kaibigan niya ang nadamay sa kasakiman ng mga mangkukulam ay nandidilim ang kanyang paningin. Gusto niyang pumatay kahit hindi niya naisin. Gusto niyang bahiran ng dugo ang sariling mga kamay dahil sa galit.

Alam niyang sa pagkakataong nawala siya sa hardin ng palasyo ay naalarma na ang kanyang mga kaibigan lalo na si Art. She know that they will find her. She know that they already reported the news about her being missing. May tiwala siya sa kanyang kaibigan. Alam niyang hahanapin siya ng mga ito.

"Alanna.. are you okay?" Marahan na sinapo niya ang mukha ng kaibigan na bagaman kalmado ay bakas ang takot sa mga mata nito.

Nanginginig rin ang kamay at namumutla ang mga labi. She don't want to think the worst. Ayaw niyang mas palalain pa ang galit na nararamdaman. Dahil wala siyang magagawa sa'tuwing nasa loob siya ng mga rehas na ito.

"I.. I don't know." Muli na namang pumatak ang luha nito na mabilis niyang pinalis. "N-Natatakot ako, Max. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Shh.. it's okay. I'm here, Alanna. Hindi kita iiwan." Mahigpit na niyakap niya ang kaibigan na  matagal na niyang gustong makita ngunit hindi sa sitwasyong ganito. "Ilalabas kita rito. Ilalabas ko kayong lahat."

"But how.."

Her voice were too weak to even recognize. Mas lalong nawasak ang puso niya sa kaalamang 'yon.

"I'll find a way. Hindi ako susuko hangga't hindi ko kayo nailabas rito. Pinapangako ko yan, Alanna."

Her friend just nodded her head weakly. Mariin na hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito habang hinahaplos ang buhok. Noon pa man, pinapangako na niya sa sarili na poprotektahan niya ang kanyang kaibigan. Alanna is her first precious friend that she can do everything for her sake. Ito ang unang kaibigan niya na nagparamdam sa kanya kung gaano ka importante ang kanilang pagsasama. Her friend always scold her everytime she do wrong. At dahil sa mga sermon na 'yon ay marami siyang natututunan.

Hindi niya gustong tanungin ang kaibigan kung paano ito nakarating dito dahil paniguradong iisa lang ang kanilang sinapit. The witches made them sleep and when they woke up, they're already here. Kung sana lang ay kaya niyang gamitin ang kapangyarihan sa loob ng seldang ito ay kanina pa siya nakahanap ng paraan para makalabas.

If the witches were recruiting humans for how many years, she's one hundred percent sure that they're not the only humans in this cell. Siguradong maraming selda na nandito at ang nakakulong ay tao.

Bumaba ang tingin niya sa kaibigan nang humiwalay ito sa yakap at hinawi ang natuyong luha sa pisngi.

"Bruha ka, bakit hindi mo sinabi na pumunta ka sa probinsya ng lola mo? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

Kumunot ang kanyang noo sa tanong nito pero hindi nalang niya iyon binigyan ng pansin dahil ang importante ay makakausap na niya ito ng maayos.

"Sorry, hindi ko lang kaya na magpaalam sa'yo dahil baka hindi na ako makaalis."

"Pero kahit na! Hindi ka man lang nag text o nag chat sa'kin."

"Pasensya na nga." She smiled timidly. "at least nagkita naman tayo diba?"

Her friend pouted but then nodded. Tuluyan na siyang napangiti pero agad ding napawi nang lumungkot ang mukha ng kaibigan.

"I don't have any clue what I'm doing here. Sigurado akong nag-aalala na sila Dad at Mom sa akin."

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now