Chapter 5: Section D
PAGKATAPOS NA pagkatapos ng entrance exam ay mabilis na umalis si Maxhione para hanapin ang kanyang dorm na katulad lang ng kay Shahira. A while ago, they were just strangers until she asked something and voila, nakasunod na ngayon sa kanya ang babae at hindi naman niya alam na masyado pala itong madaldal.
"Alam kong kilala mo na ako pero magpapakilala ulit ako." The latter said cheerfully. "ako si Shahira Albaño. Seventeen years old at nakatira sa karatig bayan ng Heberos. So basically, I'm from Lynphea. Ikaw ba?"
Nilingon niya ito habang naglalakad siya. Malaki ang ngiti nito sa labi at napabuntong hininga nalang siya bago ito sinagot. Wala naman talaga sa plano niya ang makipag interaksyon sa kahit na sino dito sa paaralang ito dahil unang-una, gusto lang niyang matuto ng mahika at maging malakas pa.
"Maxhione Paz. Seventeen years old at nakatira rin ako sa karatig bayan ng Heberos pero malayo at wala akong balak na sabihin kung saan talaga ito."
"Ang ganda mo talaga sumagot." Hindi niya alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi no'n ng babae dahil sa pandinig niya, oo.
"Hanapin nalang kaya natin ang dorm at nang makapagpahinga na tayo?" She give her the sweetest smile she can give pero napangiwi din dahil nagmukha siyang weird.
Sa huli ay napailing nalang siya at tinapik si Shahira na akmang sasagot sa kanya. "Let's go. Gusto ko ng matulog."
"Oh. Okay."
Nauna na siya sa paglalakad patungo sa building kung saan ang kwarto ng mga kababaihan. Sa kabilang banda ang dormitoryo ng mga kalalakihan at ilang lakarin pa bago makapunta doon.
Nauna na siya sa paglalakad at nakasunod naman sa kanya ang babae. They were silent the whole time until they found their dorm. May isa-isa silang susi na nakalakip sa invitation para hindi na mag-aksaya ng panahon na manghiram.
The room is spacious. May double deck bed at malaking cabinet sa gilid na sakto lang para sa kanilang dalawa. Ang pintuan malapit sa cabinet ay paniguradong banyo. There is a table for two, a mini ref and a kitchen. Nang bukhan niya ang maliit na ref ay puno ito ng mga pagkain na paniguradong sila ang magluluto.
"Marunong ka bang magluto, Shahira?" Tanong niya rito bago isara ang ref at hinarap ito.
"Huh? Ah, konti. Mas inuuna ko kasing tulungan si Mama sa pagtitinda at ang nakababata kong kapatid ang nagluluto kaya konti lang ang alam ko." Napakamot ito sa kanyang noo na para bang nahihiyang ipaalam sa kanya na konti lang ang alam nito sa pagluluto.
"Ayos na 'yon. Mas importante nga rin naman ang inaasikaso mo."
"Ikaw ba? Marunong kang magluto?"
Maxhione sat in the bed while watching Shahira fixing her things in the cabinet.
"Marunong naman. Tinuturuan ako palagi ni lolo at lola pero mga simpleng putahe lang. Mas gusto kasi nilang inuuna ko ang pag-aaral ko."
Napatango-tango ang huli saka siya hinarap. "nag-aaral ka pala? Akala ko unang beses mo dito sa Lynphea."
Oh, damn! Pinigilan ni Maxhione na mapangiwi at hilaw na natawa nalang dahil sa sinabi ng huli.
"I mean, pag-aaral sa mga mahika. Mag ensayo para mas makontrol ko ang kapangyarihan ko. Unang beses ko talaga dito sa Lynphea."
Thankfully, she closed her mind so that Shahira can't read what she was thinking. Hilaw na napangiti siya dahil sa kamuntikan na niyang mabuko na nagmula siya sa ibang mundo.
Sa susunod kasi, mag-isip ka ng mabuti Maxhione.
"Kaya pala talaga ang galing mo." Namamangha na naman ang huli nang tingnan niya ito. "no'ng sumigaw 'yong lalaking kalaban mo na nandaya ka, walang naniwala do'n dahil alam ng lahat na kapag nandaya ang isang estudyante sa gitna ng labanan na 'yon ay paaalisin agad at hindi na muling papapasukin sa paaralan. Paniguradong sinusubukan ka lang no'ng lalaking 'yon na ipalabas ang totoo mong kakayahan." Mahabang litanya nito pero kahit papaano ay nagbigay kaliwanagan sa kanya.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...