Chapter 24: Crimson red
"A-ANO?"
Hinahapo parin siya sa paghinga habang hinahaplos ang kanyang lalamunan na pakiramdam niya'y may naiwan pang kanin sa loob. Her heart was beating so fast and her hand were slightly shaking. Ilang beses na siyang napainom ng tubig pero hindi parin humuhupa ang kaba niya.
"Relax, masyado ka namang kinakabahan."
Sinamaan niya ng tingin ang binata nang marinig ang mahina nitong pagtawa.
"Baliw ka ba? Magulang mo 'yon! Siyempre sinong hindi kakabahan na makilala ang reyna at hari ng Veldora?" She half-whispered half-shouted at him.
Amuse parin na nakatingin sa kanya ang binata at parang wala lang rito ang pagtingin niya ng masama.
"Bakit? Kinabahan ka ba no'ng makilala ang prinsipe ng Veldora?" He said.
Napabuka-sara ang kanyang bibig at nag-iwas ng tingin nang hindi agad makasagot.
"Ibang usapan naman 'yon. Hindi ko nga alam na prinsipe ka."
"Paano naging ibang usapan? Malapit na rin naman akong maging hari sa oras na mamarkahan ko ang babaeng gusto ko. I'm also turning eighteen next year."
She bit her lower lip. Napayuko siya at napiling kumain nalang. Nahihiyang salubungin ang tingin nitong nang-aasar.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" Mayamaya ay tanong niya habang kumakain.
"Of course I am. Ayaw mo bang makilala ang magulang ko?"
"Hindi naman sa gano'n." Mabilis na tanggi niya at umiling-iling pa. "Huwag ka lang umalis sa tabi ko kapag kaharap ko na sila. Nakakakaba kaya." She pouted.
Totoo naman kasing kinakabahan siya na makaharap ang reyna at hari ng mga bampira. Kung sakaling may mali siyang magawa, paniguradong hindi na siya makakalabas sa lugar na 'yon.
Napa-angat ang kanyang tingin sa binata nang mahina itong natawa at ginulo ang kanyang buhok.
"Hindi naman talaga ako aalis sa tabi mo."
She blinked enumerably times. Kapagkuwan ay ngumiti at tinapos ang pag kain. Hindi rin sila nagtagal doon at tahimik silang bumalik sa tinutuluyan para magpahinga. Isa pa, maaga sila bukas at alam niyang pagod si Art sa pakikipaglaban nito kanina sa mga tulisan.
"Good night, Max."
Napatigil siya sa paghakbang papasok sa kanilang kwarto nang marinig iyon. Nilingon niya ang binata pero nakapasok na ito sa kwarto.
She smiled. "Good night, Art."
She had a good sleep that night even though it was too late before she finally slept. Hindi dahil sobrang dami ng laman ng kanyang utak kundi dahil sa katotohanang buong araw niyang makakasama ang binata kinabukasan sa Veldora at ipapakilala pa siya nito sa hari at reyna. Oo, kinakabahan siya. Ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib pero kung mananatili lang si Art sa tabi niya ay kakalma siya.
"Maaax! Hindi ka ba talaga sasama?" Mangiyak-ngiyak pa si Akira na yumakap sa kanya kinabukasan.
"Dalawang araw naman tayo rito, diba? Uuwi naman kami ni Art kaya baka bukas makakasama niyo na ako." Tinapik niya ang ulo nito pero ngumuso lang ang huli.
"Gusto kitang ipakilala sa pamilya ko. Kayong lahat. Gusto kong mag bonding tayo dito."
Hilaw na napangiti siya at napakamot sa noo.
"Ano ka ba, Akira. Hayaan mo naman na magkasama silang dalawa." Daphnie said with a teasing smile on her lips. "they need alone time, you know."
"Tumahimik ka nga." Umingos siya saka tiningnan si Akira. "bukas sasama na ako sa inyo kaya wag ka ng mag inarte diyan."
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...