Chapter 22: Meeting the Guardian
THREE NIGHTS that they were cautious and thankfully, walang mga tulisan na umatake sa kanila. They were confident that they will safely arrive in Alvan and they almost let their guard down. Dahil sa huling araw na paglalakbay nila ay saka naman sila tinambangan ng mga tulisan sa gitna ng gubat. Ang huling gubat na dadaanan nila bago makarating sa kanilang pakay.
"Anong gagawin natin? Anong plano? Masyadong mabilis ang pangyayaring 'to." Zion whispered to them. Just enough that they can only hear him.
Nasa likod nila ang karwahe at pinoprotektahan ito. Sa harap nila ay ang mga tulisan na handa ng umatake anong oras. The problem is, they are too many and three of them were sorcerers. Walang problema kung puro tulisan lang pero dahil may salamangkero na sa tingin niya'y gamay na gamay na sa kapangyarihan nito. Mahigit dalawampo silang lahat.
"Mga bata. Kung tahimik at maayos niyong ibibigay ang lahat ng gamit na dala niyo, patatakasin namin kayo ng buhay." Salita ng sa tingin niya lider ng mga tulisan. May hawak itong patpat at may nakapalibot ditong mga matutulis na bakal.
"Boss, masyado namang madali yang kondisyon mo. Paano kaya kung ipa-iwan natin ang tatlong magagandang dalaga?"
Nagtawanan ang mga tulisan at lubos ang pagpipigil ni Maxhione na huwag umatake hangga't hindi niya nalalaman ang kapangyarihan ng tatlong salamangkero. O kung higit pa ba sa isa ang mga kapangyarihan nila.
"Art." Hinawakan niya sa braso ang binata nang akmang hahakbang na ito pasugod sa mga tulisan na hanggang ngayon ay demonyo paring natatawa.
"I will strangle their neck. I swear that."
"Yes you can but we need a plan." Aniya na humuhugot ng malalim na hininga.
Kung pwede lang pasukin ang utak ng kanyang mga kaibigan para bumuo ng plano na walang kaalam-alam ang mga tulisan ay kanina pa niya ginawa. Pero bukod kay Gael, hindi niya mapasok ang isip ng iba niyang kasama dahil nakasarado ito.
"Ano ba yan sobrang tagal!" The leader of the bandits hissed at them and she can see how annoyed he is. "bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi niyo binigay lahat ng gamit niyo, lulumpuhin namin kayong lahat."
She swallowed. Nagtagis ang bagang niya at habang hawak niya si Art, ramdam niya ang galit nito sa mga tulisan.
"Isa!"
Damn it! Gusto na niyang sabunutan ang sarili pero kung may natutunan man siya sa itinuro ng kanyang Nanay Aurora at Professor Hermes, iyon ay maging kalmado sa sitwasyong ganito para makapag-isip ng magandang plano.
"Dalawa!"
She lick her lower lip. "Art, maaasahan ba kita sa mga tulisan?"
"Leave it to me."
"Good. How about you Nolan?"
"You can count on me, Max."
Napatango-tango siya. "Gael, and Zion. Help these two. Akira at Daphnie, kayo ang sasama sa akin na humarap sa tatlong salamangkero. Hangga't magtutulungan tayo, ligtas tayong makakarating sa Alvan."
"Tatlo!"
They scattered around the place to corner the bandits. She put a barrier in the carriage so that the potions were safe. Art was using his vampire speed and she can see how the bandits were threaten.
"Huwag niyo hayaan matalo kayo ng mga batang 'yan!" Their leader exclaimed.
Alam niyang mas malakas ang mga tulisan sa kanilang pito pero hangga't may stratehiya sila kung paano talunin ang mga tulisan, mananalo at mananalo sila.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...