Chapter 6: First Task
"PLEASE BE seated everyone!"
Saka lang napabalik sa realidad si Maxhione nang marinig ang boses ng kanilang professor. Mabilis na nakabalik sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante na kanina lang ay walang pakealam sa kanilang paligid. They were now sitting properly and she ended with the guy she was with. Ang katabing upuan nalang kasi nito ang bakante at wala na siyang oras na magreklamo dahil magsisimula na ang kanilang klase.
"I am your professor and you can call me professor Hermes. I will discuss the rules of this school to those students who don't know it." Napatingin ito sa kanya nang sabihin nito ang huling salita.
Her forehead ceased. Mukhang hindi magiging maganda ang pananatili niya dito sa eskwelahang ito. The professor look so strict. Matigas ang tabas ng mukha nito at mukhang wala namang pakealam ang mga kaklase niya.
"Una, huwag kayong magkakamaling pumunta sa curse forest kung gusto niyo pang mabuhay ng matagal. Everyone know about that forest. Kaya kung sakaling nagawi kayo malapit doon, umalis na agad kayo. Pangalawa, huwag niyong tangkain na pumunta sa palasyo hangga't walang pahintulot ng nakakataas. Pangatlo, sumunod palagi sa mga professor na nakatalaga sa inyo sa oras ng inyong aktibidad. Your first task supposedly tomorrow but an urgent came and your first task will be held now. Remember the rules. Are we clear?" Still, the professor look at her as he said those final words.
Ayaw mag-isip ni Maxhione ng negatibo pero hindi niya maiwasan lalo pa't parang pinapakita nito na kailangan niyang intindihin ang lahat ng sinabi nito. Of course she would do that. Pero hindi naman kailangang ipamukha sa kanya ang mga 'yon.
"Anong urgent ang dumating?"
Napabaling siya sa kanyang katabi nang magsalita ito pero ang tingin ay nanatili parin sa harapan. Nagsasalita ang kanilang professor pero wala na siyang ganang pakinggan ito.
"Who knows? Baka may galit sa section natin ang professor na 'yan."
Nagbaba ito ng tingin sa kanya at halata ang pagkamangha sa kanyang mga mata.
"Hindi ko inaasahan na kaya mo 'yang sabihin."
"Kaya at kakayanin ko." She scoffed. "this section is the lowest, like what the students said. Siguro naman hindi na kwestyonable sa'yo kung bakit ganito nalang ang trato nila sa atin. Look at those students. Wala silang pakealam sa kanilang paligid. They only think about their self. Kaya hindi nakakapagtakang binansagan ang section na ito na pinakamababa."
She was already thinking that far. Naalala pa niya ang sinabi ng kanyang Nanay Aurora na kung hindi siya magiging mautak sa paligid niya, paniguradong siya ang unang-unang matatalo. That's why she was attentive to her surroundings. She need to learn a lot. She need to be the best before she will do what she need to do.
"You're unbelievable."
Bumalik ang tingin niya sa lalaki dahil sa sinabi nito. Though the guy were looking in front so that the professor won't notice that they're having some conversation.
"I just said what I think I need to say. Hindi man lang ba sumagi 'yon sa isip mo?"
"Well, I think about that but, it's not my problem anymore, right? If they want to change, then they can. But still, they choose to stay of what they are and didn't tried to change in a good way. That's why students keep on saying that this section is the lowest."
Napatango-tango siya dahil may punto ito. Hindi rin naman kasi nila kargo ang mga estudyanteng ito pero dahil ngayon ay kabilang na sila sa section na ito, pakiramdam ni Maxhione ay kailangan nang may magbago. If this students won't change, then the students will keep on looking down to them. At iyon ang ayaw ni Maxhione.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...