Chapter 19: Overthinking?
"JUST KIDDING."
Hindi alam ni Maxhione kung makakahinga ba siya ng maluwag sa huli nitong sinabi o mapapangiwi. Ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib ay biglang humupa. Lihim siyang napasimangot at kung pwede lang umirap ay ginawa na niya.
"And what the hell did you do?" Anito na ang tinutukoy ay ang kanyang pag sign of the cross.
She quietly scoffed. Nag-iwas ng tingin sa lalaki at pinagdikit ang tuhod saka ito niyakap. Ipinatong ang baba sa kanyang tuhod habang nakatingin sa labas.
"Wala. Hobby ko lang." She shrugged. "Pero seryoso kasi. Sagutin mo ng maayos ang tanong ko."
"Well, I just thought that it's not yet the time. Gusto ko na kapag namarkahan ko siya, may permiso ako galing sa kanya. Kung tatanggapin ba niya ako sa kanyang buhay. If I mark her, I want to be sure that we have the same feelings. Mahirap naman kung ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa, diba?"
She swallowed hard. He has a point. But why the hell is she feeling this way? She know this is wrong. She need to stop this or else.. she don't know what will happen. Tho, a part of her was happy that Art can actually think that way. Na sinisiguro nito ang opinyon ng babae at sisiguraduhin nitong pareho sila ng nararamdaman. She must say that the girl he choose is lucky.
A damn lucky girl. She smiled. Masaya siya, 'yon ang totoo at kung ano man itong nararamdaman niya, paniguradong kahibangan lang.
"Mabuti naman at naisip mo ang bagay na 'yan." Mayamaya ay saad niya nang matahimik na silang dalawa. "it is important to consider someone's opinion. Especially her opinion. Pero paano kapag hindi siya pumayag?"
"Give up is not in my vocabulary. Kaya hindi ko siya susukuan. Kung hindi man siya pumayag, edi gagawin ko ang lahat para pumayag siya. If she's not inlove with me yet, then I'll make sure that she'll be inlove with me before the graduation. I promise that."
She unbelievably glanced at him. Mas lalo siyang humanga sa lalaking ito habang sinasabi nito ang mga pangakong gagawin. Na kahit hindi siya sigurado kung matutupad ang lahat, but knowing Art. Alam niyang hindi susuko ang lalaki at kapag may pangako ito, gagawin at gagawin nito.
Sana naman lahat ng lalaki may mindset na katulad nang sa kanya.
She sighed. "I'm happy for you, then. Keep it up." She even smiled at him sweetly.
She need to set aside her feelings for now. Ang dapat niyang isipin ay ang mahaba nilang paglalakbay. Kahit kampante siyang walang mangyayari sa kanilang masama, hindi niya parin maiwasang mangamba lalo pa't iilang delikado na kagubatan ang papasukin nila para lang makarating sa Alvan.
She need to trust in her friends for this adventure. She just don't need to rely on them if she can do something. Kung may nagawa man siya noon na hindi na ulit mangyayari ngayon, iyon ay ang hindi niya pag protekta sa mga minamahal niya. Yes, she wasn't protect her grandparents but she won't let that happened again. Hindi niya ulit hahayaan na wala siyang maprotektahan at mapahamak na naman.
Kailangan nilang dumaan sa magical forest na siyang unang gubat na madadaanan nila nang araw na 'yon. Napagpasyahan nilang magpahinga muna at kumain habang wala pang mga masasamang halimaw ang nagpakita.
"Max? Pwede ba kayong maghanap ng ilog na pwede nating pagkunan ng maiinom sa mga kabayo? Hindi sapat ang tubig na dala natin. Para lang 'to sa'tin. Isa pa, hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan kong tubig pag nagkataon na maubusan tayo. I can only use this for emergency purposes." Mahabang litanya ni Zion at tumango siya bilang pag sang-ayon.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...