Chapter 4

161 6 0
                                    

Chapter 4: The Entrance Exam

THE entrance exam is insane.

Iyon agad ang pumasok sa kanyang utak matapos mapanood ang unang laban ng mga estudyante sa field. Sa sampung estudyante na pumasok doon, apat ang nanatiling nakatayo hanggang sa matapos ang oras. Four out of ten students has a water magic. Dalawa ang may apoy na mahika. Tatlo ang sa hangin at dalawa ang sa kalikasan.

"Mas dehado ang may apoy na mahika sa may tubig na mahika. Habang talo naman ang tubig sa kalikasan. Hindi naman magkasundo ang hangin at apoy." Bigla ay saad ng katabi ni Maxhione dahilan para mapatingin siya dito. "Kaya kung sakaling may kapangyarihan kang hangin, siguraduhin mong hindi ka lalaban sa apoy maliban nalang kung eksperto kana rito at may spell ka ng matalo ito."

She's weird. Bulong niya sa kanyang utak dahil hindi rin naman nito mababasa ang kanyang iniisip.

"S-Sure." Tumikhim siya at tumango rito. Gusto niyang sabihin na alam na niya iyon pero nanatiling tikom ang kanyang bibig at muling nanonood sa malaking monitor sa ikalawang laban. 

"The third player will be Shahira Albaño."

"Ay, ako na pala." Humagikhik ang katabi niya bago tumayo para pumunta sa gitna ng field.

She must be the third player. Bigla ay na kyuryos si Maxhione sa kung anong mahika ang kayang ipakita ng babaeng 'yon. She seems weird sometimes but she's approachable. By her looks, she must've be strong than she thought. Hindi naman kasi niya kilala ang bawat estudyante sa buong gymnasium na ito at wala siyang kaalam-alam sa mga mahikang taglay nila.

She wants to ask if, what if those students earlier has three or two elements of magic? Pero sa huli ay nanatili nalang tikom ang kanyang bibig at tahimik na nagmasid. Maybe because the mana of their body can't take it. Ayon na rin sa sinabi ng kanyang Nanay Aurora habang sinasanay siya nito.

The students in the field were now complete. Limang babae at limang lalaki na handang-handa ng sumabak sa laban. Hindi niya alam kung bakit ginagawang big deal ng mga estudyante ang exam na ito kung dito lang naman binabase kung saang section ka ilalagay. The strongest must be in the top right? No wonder why they all give their best.

"The exam will now start!" Anunsyo ng emcee na nagpabalik kay Maxhione sa realidad kasabay ng malakas na hiyawan ng mga estudyante.

Ang mga kalalakihan ang unang umatake. Siguro naiisip na mas malakas sila kaysa sa mga babae. Maxhione scoffed at that. Pero ang isipin na 'yon ay agad naputol nang umatake ang babaeng katabi niya kanina na nagngangalang Shahira.

"Thunder bolt!"

From above, a thunder stike at the man who was about to attack her. Nanlalaki lang ang mata ni Maxhione habang pinapanood ang sunod-sunod nitong pag-atake gamit ang kapangyarihan nitong kidlat. She already knew that spell but she can't help but awe in amusement. Kakaiba talaga kapag sa mismong laban  ginagamit ang kapangyarihan.

The fight didn't last for long. Proud na nakangiti si Shahira kahit bakas dito ang pagod sa pakikipaglaban. The guys were defeated and the girls were the winner.  Napangisi si Maxhione dahil proud siya sa kanyang mga kabaro.

"She did a great job." Bulong niya habang nakatingin kay Shahira na umalis ng field at makapagpahinga na rin. Even though she really don't know much about that girl, she have this feeling that that girl will be stronger even more.

"And now, let's all start the third match!" The emcee said again. Nakalutang sa ere ang microphone at mukhang dahil ito sa kanyang kapangyarihan.

Naghiyawan ang mga estudyante sa gymnasium na hindi na bago sa kanya pero nakakarindi naman. She don't want noise very much. 'Yan ang kinaiinisan niya pero exempted ang pagtitipon na ito dahil alam niyang hindi niya kayang pigilan ang mga estudyanteng ito na manahimik.

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now