Chapter 1: Lynphea
"LOLO.. LOLA.."
Pang ilang beses na niyang ibinigkas ang katagang iyon pero nanatili parin siya sa kanyang pwesto at hindi makagalaw habang nakatingin sa katawan ng kanyang lolo at lola na wala ng buhay. Ang hawak niya kaninang pasalubong ay nabitawan niya sa sobrang gulat. Tila nag-iinit ang kanyang katawan sa hindi malamang dahilan. Napuno ng hinagpis at galit ang kanyang puso at doon ay natauhan siya sa kung ano ang nangyari.
"Lola.." Hindi niya alam kung sino ang unang pupuntahan pero sa huli ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nilapitan ang kanyang Lola na puno ng sarili nitong dugo.
She wants to puke at the scene in front of her. Pero ayaw makisama ng kanyang sarili at kusa na lamang sinapo ang ulo ng kanyang lola upang ipatong ito sa kanyang hita. Ang kanyang luha na sunod-sunod ang pagbuhos ay humahalo sa malagpit na dugo. Her eyes went blur because of it. Walang takot na hinawakan niya ang pisngi ng kanyang lola.
"P-Panong.. anong nangyari.." halos hindi niya marinig ang sariling boses dahil sa sobrang hina nito.
Hindi niya maisip at akalain na mangyayari ito. O mas tamang sabihin na hindi talaga sumagi sa isip niyang ganito ang kahihinatnan ng kanyang lolo at lola.
"Apo.."
Her eyes widened as she took a deep breath when she heard her grandma spoke. Napaawang ang kanyang labi nang makasalubong niya ang tingin nitong kay puno ng pag-alala. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha sa kaalamang nag-alala pa talaga sa kanya ang kanyang lola sa sitwasyon nito ngayon.
"Lola.." pumiyok ang kanyang boses. "anong.. anong nangyari? B-Bakit?"
"T-Tumakas ka." Nahihirapan na ito sa pagsasalita at marahas ang kanyang pag-iling sa sinabi nito. "k-kunin mo ang kwintas sa p-pinaka unang drawer doon sa kwarto mo. Lumayo ka bago ka pa nila kunin. Pumunta ka k-kahit saan hanggang sa ikaw ay matulungan. Mangako ka sa akin, mangako kang magiging mabuti ka.. apo ko."
"Lola!" Mas lalong nanlabo ang paningin niya dahil sa luha at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kanyang lola. "ano bang pinagsasabi mo? Anong tatakas?! Anong kukunin?! Wala akong maintindihan.."
"Sundin mo lang ako apo. Dahil kahit kailan ay hindi k-kita ipapahamak."
Her breathing hitched. Marahas na hinawi niya ang kanyang luha at umiling dito.
"Tatawag ako ng ambulansya para mailigtas kayo, lola. Wala akong maintindihan sa sinasabi mo pero ang mahalaga at importante ngayon ay mailigtas kayo ni lolo."
"Maxhione." Akmang tatayo ang dalaga upang kunin ang kanyang selpon nang mariin na tinawag siya ng kanyang lola kasabay ng paghawak nito ng mahigpit sa kanyang kamay. "M-Makinig ka ng mabuti sa akin. Sumunod ka na lang at tumakas ka na. H-Hayaan mo na kami dahil hindi na kami magtatagal dito sa mundo. I-Ito ang hiling ko sa'yo. Tumakas ka. L-Lumayo ka at maging mabuting bata"
Gulong-gulo ang isip ni Maxhione. Nahahati sa dalawa and kanyang desisyon pero sa huli ay natagpuan niya ang kanyang sarili na tumatango sa lahat ng sinabi ng kanyang lola.
"Pangako Lola, pangakong hahanapin ko ang kung sino mang gumawa nito sa inyo."
Isang mapait na ngiti lamang ang nasilayan niya mula rito at doon ay naramdaman niya ang pagluwag ng hawak nito sa kanyang kamay. Napahagulhol ng iyak ang dalaga at hindi napigilang yakapin ang duguang lola niya. Isang munting panalangin ang iniwan niya rito bago lumapit sa kanyang lolo para bigyan rin ng munting panalangin.
She then hurriedly went to her room to find that necklace. Mabilis niya itong nahanap at sa huling pagkakataon ay muli niyang tiningnan ang bahay na kinalakihan na niya.
YOU ARE READING
Lynphea Academy: School Of Magic
FantasyMaxhione Paz believe that she was living normally. But little did she know, it was far from normal and she has nothing to do with it but to accept it. She was used to live in her normal life with her grandma and grandpa, or she thought it would be i...