PAGLABAS PALANG ng dalaga na si Merliah sa kaniyang dorm sa unibersidad matapos ang kanilang mahabang bakasiyon ay nahahalata na nito ang mga napakatulis na tingin ng lahat ng studyanteng nadadaanan niya.
Lumitaw din ang mga bulung-bulungan na nagmimistulang bingi ang kanilang kinakausap dahil sa ito'y napakalakas.
Hindi na ito pinansin ng dalaga, sapagkat wala naman siyang ideya kung ano ang rason ng mga 'to at kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
Hanggang sa makarating na ito sa classroom ay panay pa rin ang titig sa kaniya kahit na mga kaklase nito.
Parang hindi na mapakali ang dalaga kaya hindi na ito nag-aatubiling tanungin ang nasa kanyang unahan, nasa likod kasi ito umuupo kaya niisa wala siyang katabing pagtatanungan.
"Excuse me, anong ganap? Bakit parang kulang nalang at lalabas na 'yung dila at mga mata nila at saksakin ako sa likuran?" Seryoso na may pabirong tanong ng dalaga sa kaklase nito.
Medyo nagulat din ang kaklase nito at para bang nagaalanganin siyang sagutin ang tanong ng dalaga.
Dahil siguro sa minsan lang itong nagsasalita at higit sa lahat, siya ang pinaguusapan ng lahat.
"Huh? Y—You didn't know? " Asik naman ng kaklase nito.
"Alam? Ang ano? na malapit na sa school natin ang dead zone? " Sagot naman ng dalaga.
Ang dead zone ay tinatawag na dead zone—oo inulit ko lang. Sapagkat maliban kay Merliah walang ibang nakakaalam kung ano talaga ang bagay na ito. Ngunit, ito ay isang maitim na usok o hindi maipaliwanag na pagkawala ng mga lugar sa Mundo. Oh diba sabi ko si Merliah lang ang nakaka-alam pero ito ay alam ko pala.
"No, not that, look at this newspaper. Your issue is on the front page"
Sambit ng kaklase nito at ibinigay sa kaniya ang diaryo.
Medyo naguguluhan pa rin si Merliah kaya hindi na ito nag-aatubili pa at agad na nitong kinuha ang diaryo at tinignan.
Lumaki ang mga mata ng dalaga na kahit mismo ang kanyang mga bibig ay nakanganga ng hindi niya maibanggit ang nais niyang sabihin. Malinaw na malinaw sa kanyang dalawang mga mata ang litratong nakita mula sa unang pahina ng diaryo.
The picture illustrates the soft as pillow bloody red lips that are full of eros of the man named Reycepaz, as he joined his lips to the sundry feminine noble rosy pink lips, that Merliah has.
"What the heck?"
Ang huling mga salitang lumabas sa kaniyang bibig bago tumunog ang kampana ng unibersidad para sa pangunahing asignatura.
Maingay ang silid aralan, sapagkat ito ang unang araw na magkita-kita ang mga magkaklase matapos ang isang linggong bakasiyon.
Isa din sa mga dahilan ang pinagmulan ng ingay ay mismo ang nagkalat na balita tungkol sa kanilang guro na nakipaghalikan sa studyante nitong si Merliah.
Wala ring pumasok na guro sa kanilang silid, sapagkat ang first period teacher nila ay si Reycepaz mismo na wala.
Obvious na kinakabahan ang dalaga, dahil sa iisang dahil, at walang iba kung hindi dahil sa nagkalat na litrato.
Abala ang kaniyang mga katabi at ang iba pa nitong mga kaklase sa paguusap tungkol sa mga nangyayari, ngunit siya naman itong pa-uyog-uyog ang paa, sapagkat wala pa rin ang unang guro nila, na walang iba kung hindi ang taong kasama niya sa litrato.
Ilang segundo pa ay tumayo ang dalaga sa pagkaka-upo na dahilan upang maagaw ang attention ng lahat, ang kaninang maingay na silid ay biglang tumahik at nasa kaniya ang tingin.
BINABASA MO ANG
Reycepaz's Reverie (Completed)
General FictionHindi ito basta kwento lang ng napakaboring na pag-ibig, na napakadali para kay bida na makuha ang kanyang mga gusto. Paano kung sasabihin ko sa'yo na sa nobelang ito, ay makakasalubong mo ang tao na may pugitang ulo? Eh paano kung sasabihin kong wa...
