Chapter 04: Stare I

65 14 4
                                        

HINDI namalayan ni Reycepaz na tumataas na pala ang araw, at saka lang niya ito napansin ng matamaan ang kanyang mukha sa mainit na liwanag na lumulusot sa bintana niyang hindi nakasarado.

Nakatulog kasi ito kagabi habang inaasikaso ang mga paperworks na nakatambak sa kanyang lamesa na ngayon ang deadline. Mabuti nalang talaga at natapos niya ito bago makatulog.

Para itong naalimpungatan at agad na tumayo't niligpit ang lahat ng papel at saka inilagay ito sa envelope. Kitang-kita talaga kung gaano kalinis ang lamesa nito, sapagkat ang kaninang parang tambak ng basura ay biglang nawala na parang bula.

Matapos niya itong maipasok lahat ay dali-dali na itong tinungo ang banyo upang makapaghilamos at makapag-tootbrush. Hindi na rin siya kumain ng umagahan sapagkat, wala naman daw siyang gana lalo na at meron itong sakit na tinatawag na Ageusia. Isa itong uri ng sakit, na kung sino man ang meron nito ay hindi makakalasa, sa madaling salita ibig sabihin nito ay wala ng panglasa ang kanilang mga dila. At sa tuwing sila ay kakain pare-pareho lang ang lasa ng mga ito na matabang.

The Institution gave them free accommodation, a dorm right inside the University, just for them not to lose any more time for traveling from their homes. Hindi naman siya nagdadalawang isip pa at agad niya naman itong tinanggap.

The thing is maliit lang ito sa kanya, sobrang taas kasi niya, I mean hindi naman masyadong mataas sakto lang 'yung height niya para ma qualified bilang basketball player.

Tapos Isa pa sa dahilan dito ay, nasanay kasi ito sa bahay nilang napakalaki at napakaluwag.

Hindi na rin siya naligo pa at agad nang nagbihis. Suot nito ang itim na trouser at simpleng white t-shirt na sinapawan naman ng itim na blazer na tama lang sa kanya ang size.

Inayos nito ang kanyang buhok, sinuot ang brown na leather shoes at bit-bit ang mga papelis bago sinirado ang pinto ng kanyang dorm bago umalis.

Habang naglalakad sa hallway papunta sa kanyang silid ay binabasa nito ang mga task na ipapagawa nito mamaya sa kanyang mga studyante ng may narinig itong malalaking yabag na tila ba ay papalapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi nga siya nagkakamali sa kanyang narinig sapagkat, Isang studyante ang hingal na hingal habang tagaktak na ang pawis na huminto sa kanyang harapan.

"S-Sir, ang s-studyante niyo po nakipagsuntukan.." sigaw nito ngunit hingal na hingal niyang paalala kay Reycepaz na ngayon ay nanglaki ang mata na tila ba ay hindi makapaniwala na kaharap nito ang studyante na may apat na paa.

Yes, sino ba naman ang hindi magugulat kapag makakita ng kabayong tao?

Kabayo ang katawan nito na ang kalahati ay may katawan ng tao. Sa mundo na'to natural lang ang mga ganitong nilalang na makikita sa kahit saan.

Mali ang nasa isip mo, yes.

Hindi tikbalang ang nakita ni Reycepaz kung hindi ay isa ito sa mga lahi ng species ng Centaurs. Sila 'yung fusion ng tao at land animals na kadalasan ay makikita sa gubat, ngunit ngayon ay malaya ng nakakarating sa kahit saang parte ng mundong ginagalawan.

Dahil sa nangyaring hindi maisagot na phenomenon, na kinakain ang ibang parte ng Mundo nila ng itim na usok o kung ano man iyon. Kaya iyan ang dahilan na kung dati ay hiwa-hiwalay ang mga lahi, ngayon ay parang nag u-unite na ito.

Kahit gulat man sa nakita ay pilit pinapaliit ni Reycepaz ang kanyang mga mata na para bang sinusuri at kinikilatis ng maayos ang bata kung ito ba ay nagsisinungaling o nagtatapon lang ng prank.

Reycepaz has also become accustomed to narrowing his eyes so that he can see better what he is looking at. He's just Twenty-five years old but it seems like he's older than anyone because of his mannerisms.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon