Chapter 03: Creatures

26 2 2
                                        

Nilakasan ko ang loob kong pihitin ang seradula ng itim na pinto kahit na nanginginig sa kaba at pananabik. Sa pintoang ito magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko. Nasa likod nito ang mga bagong karakter na siguradong papasok sa mundo ko. Hindi ko lang alam kung sila ba ang sisira sa pagiging ako o sila ba ang magbabago sa mas magandang bersyon ng aking sarili.

Iba pala talaga ang pakiramdam pag unang beses mo palang sa field mo. Ngayon na hawak ko parin ang door knob, ang kaba ko mismo ay nag-ri-ricochet mula rito, ramdam ko talaga ang panginginig ng malamig kong kamay. Yung kaba na parang natatae, nanggigigil yung mga panga, at tumataas ang mga balahibo mo. That's how I feel right now. Alam ko yung term dito eh, pero nakalimutan ko, dahil na rin sa kaba.

Kung hindi ako gagalaw sa kinakatayuan ko, alam kong walang mangyayari. Kaya tinodo ko na at binuksan ang pinto ng dahan-dahan.

Maliit palang 'yung nabuksan ay umalingaw-ngaw na ang kaba ko ng makita ang mga studyante ko o mga batang tatawagin kong mga 'anak' simula sa araw na'to.

Kahit nanatiling kabado ay hindi ko ito pinapahalata sa mga studyante ko nasa bawat hakbang ko papunta sa harapan ay nasa akin ang atensiyon nila. Agad kong ipinatong ang mga gamit na dala-dala ko sa mesa at inayos ang damit bago tuluyan nang tumayo sa gitna.

I cleared my throat to grab their attention. At hindi naman ako nabigo, sapagkat, ang kaninang magulong-magulo at maingay na para bang sabungan ng manok ay biglang bumalik sa kanya-kanya nilang upuan at naging tahimik ito na para bang nasa simbahan.

Obvious naman na babalik sila, dahil kanina palang sa pagbukas ko ng pinto ay ang ingay nito na para bang kinakalawang, maganda sana kaso parang matagal ng hindi pinapasukan.

Ganyan talaga ang mangyayari, kakalawangin kapag hindi mapapasukan.

"Good morning class" bati ko sa kanila.

Kung ano man ang posisiyon nila matapos kong linisan ang lalamunan kanina ay hindi pa rin ito nagbago, para bang huminto na ang mundo nila ng makita ako. Kahit ang reaksiyon nila ay hindi mawari sa pagkagulat at kitang-kita ito sa kanilang mga mata na naglalakihan.

Akala siguro ng mga batang ito na hindi na sila mapapasukan pa, akala nila na wala nang may gusto sa kanila, akala nila wala na silang pag-asang matuto ng mas higit pa sa kanilang mga nalalaman.

Kanina kasi habang ako'y mahinang naglalakad sa hallway kasama yung weird na chairperson ay binasa ko muna ang record ng section na'to na nakalagay sa itim na papel na makikita sa loob ng pulang envelope.

Ginamitan ito ng ballpen na may puting tinta.

Nakasulat doon na walang may gustong tumuro sa kanila. Kung meron man ay palagi silang pinapagalitan. They didn't include what was the reason, and I think that was my job as their new father.

It's stated in the paper that their teacher whom I replaced with, immediately left the university after entering the classroom.

Weird.

Isa rin sa guro nila ang nahimatay ng walang rason.

Mas weird..

Pero ang mas weird, bakit walang nagtuturo sa kanila? Sapagkat 60% sa mga studyanteng ito ay nagbabayad ng full payment, tapos 40% lang yung student scholar kung saan may free voucher sila kaya less nalang yung kanilang babayaran.

Narinig ko lang ang Unibersidad na'to na pinakasikat, ngunit hindi ko alam na ganito pala ang nasa loob, napakarumi—i mean except sa mga weird na creatures, kahit sa labas naman ng unibersidad ay makikita mo ang lahi nila.

Kailan nga ba ang huling araw na nalaman kong bukod sa tao at demonyo, mga magulang ko, ay may iba pa palang nilalang ang nakatira sa mundong ito?

At saka lang ako nakalabas ng bahay noong namatay si ate total wala namang pakialam ang mga magagaling kong magulang.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon