TALAGANG nabigla hindi lang sila, ngunit pati na rin ako nang lumuhod ang mga dwarfs na kanina lang ay masaya itong nag-iinoman, pati na rin 'yung mga batang naglalaro at marami pang iba na nagsisilabasan sa kani-kanilang mga bahay.
Hoy, hoy ano na naman ngayon? Anong nangyayari?
"Command us, our lord.." sabi ng isa sa kanila na para bang siya 'yung pinuno sa lugar na'to.
Hindi ko lubos maintindihan kong bakit at bigla nalang sila nagkakaganyan. Wala namang sinabi si Lolo tungkol dito.
"Teka, Teka lang. Tumayo po kayo, hindi ko po maintindihan kung bakit kayo nagsisilabasan at ngayon ay lumuluhod sa harap ko?"
Tanong ko sa kanila habang pilit silang inalalayan para makatayo. Hindi naman ito nagmamatigas ng ulo at agad naman din na tumayo.
"Pasensiya na po kayo aming panginoon, sapagkat hindi kayo namin nakilala at nagawa ka pa namin imbitahan sa inuman na sobra namang mamurahin, ngayon ay naintindihan na namin kung bakit niyo hindi tinanggap"
H–Hoy, oo tinangihan ko 'yung offer niyo, pero hindi ibig sabihin noon na ayaw kung uminom dahil ito ay mamurahin. Sadyang hindi ko 'to tinanggap dahil hindi talaga ako umiinom! This is a huge understanding!
Nakayuko lang siyang nagpapaliwanag, ganoon din ang ginawa ng ibang kasamahan nito, nakayuko rin.
Pero, p–pangino—haaa?
Hindi na ako makapagpigil pa at agad ng tinanong ang kanina pa na gusto kong itanong.
"Anong dahilan at bigla nalang niyo ako naging diyos ha?" medyo mataray pero mahina ko naman na tanong sa kanila habang ang mga kamay ay talagang nakakross. Talagang mataray tayo rito.
Hindi naman ito nagpadaloy-daloy pa at agad naman umabante at nagsimula ng magsalita.
"A divine master made a pack into our clan. A long time ago, this man saved us from danger, even though we lost forty-nine percent of individuals in our clan, we were still glad for this man because without him, all of us are going to vanish"
"Who's this man you're talking about" I asked promptly.
"He's the owner of that whistle, or should we say Former owner. And that is Mr. Maximo, your grandfather."
·········
Habang nagbabyahe ako ngayon pabalik sa unibersidad ay hindi pa rin mawawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nakakadagdag tuloy ng stress.
Marami na nga akong iniisip dumagdag pa ang mga dwarfs na iyon.
Dahil nagpupumilit naman sila na dapat ko raw silang utusan, inutusan ko nalang sila na lumipat ng lugar, two birds in one stone na rin. Total, mga ilang kilometro lang naman kung saan makikita ang Maláje Forest Malapit naman ito sa Manor ko kaya walang problema.
Natatawa nalang ako ng hindi pa nawawala sa isipan ko ang reaction ni shannalie at ng driver kanina. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang gulat sa nakita na para bang hindi maipaliwanag.
Kahit sino naman siguro, magugulat. Inakala ko nga na ang whistle na'to ay Griffon lang ang natatawag ngunit meron pa palang ibang clan.
Ang liit lang talaga ng mundo, hindi ko inakala na naging paladin pala nila si Lolo.
Ang mga pagkain na ibibigay ko sana kay Shannalie ay ibinigay ko nalang sa kanila, upang sa paglalakabay nila ay hindi sila magutom. Mabuti nalang at pumayag naman si Ms. Valdez.
Pagdating ko sa dormitory ko ay napangiti na naman ako ng may napansin akong nakabitay na paper bag sa may door knob ng pinto ko. Again?
Another mystery blessing.
Nang kinuha ko 'to ay hindi ko muna 'to binuksan. Inantay ko munang matapos ang mga gagawin ko. Ginawa ko nalang itong motivation, para gaganahan akong tapusin ang walang katapusan na paperworks. Mas lalo kasi tayong gaganahan sa paggawa ng mga gawain kapag meron tayong inspirasyon.
Natatanaw ko sa bintana ang asul na asul na buwan katabi pa nito ang iba pang kulay na buwan, na nagsasaad na hating-gabi na. Kulang nalang na mapamura ako ng lakas sa saya.
Like hell? It's Project Loki Volume 3! Sino bang hindi matutuwa sa blessing na 'to. Kakatapus ko palang kasi ng Volume 1 at 2, tapos wala pa akong plano na bumili ng libro kasi nga hindi na ako nag-aabalang umalis. And now, I want to express my fully gratitude to the person who gave me this.
Like, kung pwede ko siyang halikan? Then why not!
I don't know who's the person behind this interesting things. How should I know her or him?
"f-facebook.."
Bigla nalang itong nailabas ng bibig ko na dahilan ng pagkasakit ng ulo ko. Siguro pagod at stress na ako sa nangyayari.
Ano ba kasi ang salitang 'yon? Libro ng mga mukha? Meron ba nun? Baka nabasa lang ito ng peripheral view ko sa mga magazine o hindi kaya sa mga papers na iniwasto ko. Bahala na nga, bukas ko na rin babasahin 'tong libro, pakiramdam ko kasi na para akong lalagnatin dahil sa sakit ng ulo ko.
Makikita sa libro na talagang bagong bili, dahil meron pang nakabalot na acetate cellophane dito. And as I expected, meron na namang nakadikit na pink sticky note sa likod.
I smiled. This person really wants to play.
"Enjoy reading while sipping your coffee :)" sulat dito.
Halatang nag-effort talaga dahil nakaka-calligraphy pa ang pagkakasulat.
Lalo na naman akong ginaganahan, I really want to know who's the person behind these things. Someday I'm going to find you, at susuklian ang lahat na'to.
However, sadly I am allergic to coffee and I can't taste it.
BINABASA MO ANG
Reycepaz's Reverie (Completed)
General FictionHindi ito basta kwento lang ng napakaboring na pag-ibig, na napakadali para kay bida na makuha ang kanyang mga gusto. Paano kung sasabihin ko sa'yo na sa nobelang ito, ay makakasalubong mo ang tao na may pugitang ulo? Eh paano kung sasabihin kong wa...
