Chapter 01: Teacher

96 2 0
                                        

I did not expect that despite all the difficult trials I faced, I was still able to achieve my dream. The dream that my late parents completely rejected. The dream that I will never be ashamed of.

"Nandito na po tayo, sir" Sambit ni manong driver sa akin habang tumitingin sa rearview mirror. Hindi ko talaga lubusang maintindihan kung bakit at para saan pa ang tinatawag nilang "salamin" kahit madilim at wala ka namang makikita rito.

I just ignored it and immediately took the wallet out of my pocket. "Magkano manong?" I asked.

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nito pero kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano ito kasipag. Sapagkat sa ngiti palang nito ay matutuwa na ang kung sino man ang sumakay sa kanya. Tapos hindi pa nito kinakalimutang gumamit ng honorific names.

Ang ngiti ng Isang tao ang kailan man ay hindi matutumbasan ng pera.

Basta nalang akong bumunot ng kung anong papel sa wallet at iniabot 'to sa kaniya. Aksyon ko na sanang pihitin ang hawakan ng pinto upang lalabas na ng pinigilan ako nito.

"S-Sukli niyo po!" nauutal na tawag nito sa akin.

Instead of receiving the change, I just gave him a wide smile "The change is yours manong, you deserved a big payment" masaya kong sambit bago lumabas na ng tuluyan sa taxi.

Kahit naka sarado na ang pinto at medyo may distansiya na ang nilakad ko ay maririnig ko pa rin ang pasasalamat ni manong, pero hindi na ako nag-abala pang linguin Ito at pinatuloy na ang paglalakad.

I found myself in front of the University Main gate. This is even bigger than I thought.

Tapos alam kung meron nanaman itong disenyo na tinatawag nila na "Salamin" sa gate na'to. Sapagkat, madilim at malabo lang ang makikita mo dito na binalutan naman ng nagpaikot-ikot na mga bakal. I really wonder how they create this.

I have known this school since I was young, this university is the only one that outsiders cannot easily enter without any permission from the highest position, in short mahigpit sila.

Isang hakbang ko pa lang papasok sa gate ay agad ng lumapit sa'kin ang isa sa mga gwardyang nagbabantay na aakalain mo talagang isang body builder dahil sa laki ng katawan nito

"Good morning sir, can you show us your identification card please." Seryoso pero madiin nitong tanong habang nilagay ang kamay sa iri malapit sa dibdib ko na para bang senyas na dapat akong hihinto.

Dali-dali ko namang inilabas sa wallet at ipinakita ang ID ko, tumango naman ito at binigyan ako ng malawak na ngiti.

Ang seryosong mukha nila kanina ay biglang nabahiran ng saya. "Welcome to Maximus Vice University!" Masayang bati nila na agad ko namang ginantihan. Buti nalang at ngumiti na sila, sapagkat hindi lang yung katawan nila ang nakakatakot, dahil pati narin yung mga ngiti nila ay para silang may balak na patayin ako kanina lang.

Siguro kung ibang tao ang nasa posisyon ko kanina nung lumapit ang mga gwardyang 'to para tanungin kung saan ang ID ko, I'm sure na manginginig talaga ang mga tuhod nila. May anim na parang may katawan ng body builder ang nagbabantay sa gate. Dalawang babae at apat naman na lalake. I can't imagine myself na kakaladkarin nila ako palabas ng Unibersidad kung may gagawin akong hindi kanais-nais.

So I really must watch and be careful with all my movements.

Anyway, nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumigil sa isang bulletin board malapit sa isang fountain, upang tignan kung saang banda makikita ang building at opisina ng Department of Chairperson na sa ganon malalaman ko na kung saan na strand o baitang ako magtuturo. Yes, I am a Teacher.

                   
                                   ·········

"So you are?"

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon