Chapter 09: Ignorance

25 8 0
                                    

Someone's Pov

WALA AKONG ibang magagawa kung hindi ang pagmasdan lamang siyang ngumingiti sa mga natanggap na surprisa. Lalo na sa isang palumpon ng bulaklak na may isiniksik akong isang mensahe.

I always do things in a secret way. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko lang talagang bumuo ng isyu.

Hindi namin ginawa ang activity na pinapagawa niya dahil, abala kami sa paggawa ng surprisa para sa kanya.

And our mission was accomplished perfectly.

Ilang minuto na siyang naka-upo habang binabasahan ng mga kaklase ko ng mga messages ay dumating na ang inorder namin na mga pagkain. Yes, nag-ambag-ambag kami para sa ganon ay madami-dami talagang pagkain, but in the end kami lang naman din 'yung kumain. Dahil busog na daw ito sa mga inihanda ng kapwa guro sa kanya.

I wonder if he really eats, ni minsan hindi ko pa kasi ito nakitang kumain.

Kunting kasiyahan ang naganap bago kami nagsiuwian.

Pagkarating ko sa bahay ay wala na akong ginawa maliban nalang sa tumalon na agad sa kama kahit suot-suot pa ang uniform ko. Ewan ko ba, ang sarap lang kasi sa pakiramdam 'yung galing ka sa pagod tapos dahan-dahan kang magpapadausdus sa kama. Parang nararamdaman kong nasa langit na ako sa tuwing ginagawa ko ang bagay na'to. Ang weird diba?

Habang nakahiga sa kama ay hindi mawala sa isip ko kung bakit ako tuluyang nahulog sa isang guro. I know it's wrong, but my heart chooses to love him.

I am 20 years old, but that's how people think. I have secrets that I must not tell anyone.

Sa tagal ko na sa mundong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso ko, or should I say in a fancy word, "I got butterflies in my stomach"

And worst, sa isang guro pa, sa guro ko pa. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa lalakeng tulad niya, dati kasi sa libro ko lang 'yun nababasa.

Bukod kasi sa mataas siya, nahahalata sa kamay nito ang mga ugat na nagsisilabasan—i mean talagang ito ay bumabakat. Ang pula pa niyang mga labi na para bang kakulay ito ng dugo, matangos na ilong na pinangarap ng lahat, at natural na mini freckles sa mukha ay talagang nakakadagdag sa kanyang kagwapuhan. Hindi ko pa nasali na wala itong double chin sa leeg dahil siguro sa medyo siya mapayat kaya halatang-halata ang jawline nito like—ughh. Let me be your wife's daddy!—charot joke lang.

Natatawa talaga ako sa tuwing na-alala ko ang hitsura niya, napaka-hot pa ng outfit niya na kahit simple lang ito ay talagang masasabi mong napakabango niya kahit hindi mo siya na-aamoy. Meron pa itong magulong-magulo na buhok na para bang bagong gising, hindi ko alam kung ito ba ay kanyang sinadya o talagang hindi siya nagsusuklay, pero okay naman, bagay  naman sa kanya big thumbs up ako for  his messy hair. It makes him more hot, and it make me want him more. Luh?

Basta kahit ni isa wala akong nakikitang negatibo sa kanya. Sa lahat ng pagkakataon, laging nasa kanya ang tingin ng mga mata ko. May pagkakataon ding hindi sinadya na magkita ang aming landas. May mga araw ding na-aawa ako na natatawa sa kanya.

Tulad ng may araw na nagsusuntukan ang kaklase kong si Josh at ang taga ibang seksiyon. Sa mga oras na 'yon, pupunta na sana ako ng canteen upang bumili ng tsa-a. Saktong pagkaraan ko sa library ay nakita ko nalang na tumilapon ang malaking kamao ni Josh sa mata nito. Akala ko nga na silang dalawa 'yung nagsusuntukan, balak niya pala itong pigilan ang dalawa sa pag-aaway kaya sa kanya tumilapon ang kamay ni Josh na sa halip ay para sa kalaban nito. Akto sana akong lalapit, kaso baka mapagalitan ako. Meron pa namang mga tsismosa ang nakapalibot dito.

Ilang minuto ko ring minamasdan ito, na halatang natutumba at nahihilo pa rin, may segundong lumingon din ito at nakita kong umitim na ang kaliwang mata niya.

Reycepaz's Reverie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon