AS ALWAYS after lecturing the entire day, nandito na naman ako at nakayuko lang sa mesa, sapagkat marami pa talagang mga bagay na kung ano-ano ang kailangan kung i-improve at bigyan ng pansin sa section ko.
Habang nagwawasto ng mga papel ay may napapansin akong may isa sa mga studyante ko, at ito ay ang halos blanko ang lahat ng scores nito sa class record ko. Hindi naman ito zero, talagang wala ito sa klase.
When I checked the attendance sheet, ako ay napagulantang, dahil bakit ngayon ko lang ito napansin. Isang beses lang pala itong nagpaparamdam sa isang linggo. What's her problem?
I checked my papers as fast as I could, ngunit parang hindi ko talaga ito matatapos ngayon dahil hindi man lang ako nakakalahati. Wala na naman akong klase ngayon maliban nalang dito sa mga ina-asikaso kong mga papelis. I can set aside these papers, my work, just to give them the attention they need.
Matagal na at hindi ko ma-alala kung kailan ako huling lumabas dito sa unibersidad. Nandito lang naman din ang lahat ng hinanap ko kaya hindi na ako nag-abala pang magbyahe papuntang siyodad para mamili.
Nagbihis lang ako ng simpleng white polo at ripped jeans at suot ang brown kong satchel bag, at same color na leather shoes bago umalis.
Pumara na ako ng taxi at ibinigay rito ang address kung saan ako pupunta. Ilang minuto rin bago ako inihinto nito sa may tapat ng parang squater area.
"Manong, dito ba talaga ang address na'to?" Bigla nalang akong napatanong sa driver ng taxi. Hindi kasi pamilyar sa'kin ang lugar na'to at Isa pa ang daming dikit dikit na bahay, pa'no ko malalaman kung saan dito ang bahay nila.
"Yes po sir, dito po ang lokasyon ng address na ibinigay niyo" seryosong sagot naman ni manong driver.
Parang mapagkakatiwalaan ko naman 'tong si manong. Wala na akong magagawa nandito na ako.
"Ah, sige po manong salamat" sabi ko kay manong driver bago Ito umalis.
Kaharap ko ngayon ang maliit na daan ng squater area na kahit motorsiklo ay hindi makaka pasok dahil sa sikip nito.
Gagamit sana ako ng mapa, kaso na-alala ko isa pala ang lugar na'to na malapit sa dead zone. Kaya hindi na ito makikita sa mapa, sapagkat ilang taon daw ay mawawala na rin ang parte na'to sa mapa. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit nagsasama na ang mga ibat-ibang creatures.
Dead zone, Isa itong lugar kung saan wala kang makikita, maliban nalang sa dilim, para bang tulad ng 'salamin' lahat na nasa dead zone ay madilm at maulap-ulap lang ang iyong makikita.
Kinailangan ko pang tumagilid para magkasya, mabuti nalang at mga ilang hakbang ko sa loob ng maliit na daan sa squater area ay unti-unting lumuluwag ang daan hanggang sa nakarating ako sa may mga tambay na nag-iinoman.
Hindi lang basta tambay, they are dwarfs. Maliliit ito ngunit mas malaki pa sa nga unano. May mataas itong mga tainga malalabong balbas at–uh—adorable old man.
They invited me to join them for a drink but I immediately declined. I am interested in them, however I have something to do here.
Aside from that, I don't like alcoholic beverages, I would rather drink fresh milk than beers that will make my stomach fat. Baka bigla nalang itong lumaki na parang lobo. Sayang naman ng abs ko. May hahawak pa nito in the future.
Ilang liko rin ang niliko ko at hanggang sa naglakas loob na akong tanungin ang mga batang naglalaro ng Chinese garter. Batang matanda?—Hindi mga bata talaga na dwarfs! Nakakatawa lang kasi tignan na kahit 'yung mga babae ay malalaki rin 'yung kanilang mga katawan.
I asked them if they knew Shannalie Valdez and a big smile formed on my lips as they nodded, which meant they knew Shannalie and they knew where she lived.
BINABASA MO ANG
Reycepaz's Reverie (Completed)
General FictionHindi ito basta kwento lang ng napakaboring na pag-ibig, na napakadali para kay bida na makuha ang kanyang mga gusto. Paano kung sasabihin ko sa'yo na sa nobelang ito, ay makakasalubong mo ang tao na may pugitang ulo? Eh paano kung sasabihin kong wa...
